Bitrics JINKY BITRICS SA DELIBERASYON NG RICE TARIFF LAW–Sumali si Batangas 2nd district Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro sa deliberasyon para sa Proposed Substitute Bill na nagsususog sa Republic Act No. 11203 o ang Rice Tariffication Law, partikular sa paggamit ng Rice Competitiveness Enhancement Fund sa pamamagitan ng Committee on Agriculture na pinamumunuan ni Rep. Mark Enverga.

PBBM: Pag-amend sa RTL magiging urgent bill

May 6, 2024 Chona Yu 74 views

HINDI mag-aatubili si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sertipikahang urgent bill ang panukalang amyendahan ang Rice Tarrification Law.

“Yes, I think it justifies the urgent certification,” pahayag ni Pangulong Marcos sa ambush interview sa Pasay City.

Matatandaang si House Speaker Martin Romualdez ang nagsulong na amyendahan ang RTL.

Umaasa si Romualdez na bababa ang presyo ng bigas kung papayagan ulit ang National Food Authority na bumili ng palay sa mga magsasaka at direktang ibenta sa mga consumers.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang problema kasi ngayon patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas dahil nagkakaroon ng kompetisyon ang mga rice traders.

“It is something that has come up, so that… ang problema kasi, kaya tumataas ang presyo ng bigas, dahil ang mga trader nagko-compete.

Pataasan sila ng presyuhan sa pagbili ng palay, at wala tayong kontrol doon,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Kung magkaroon ng amendments sa NFA charter at Rice Tarrification Law, magagawan natin, makokontrol natin, may influence tayo sa presyuhan sa pagbili ng palay at pagbenta ng bigas,” pahayag ni Pangulong Marcos.

AUTHOR PROFILE