Water

Water level sa Angat Dam tumaas ng 1 metro

May 27, 2024 People's Tonight 118 views

TUMAAS ng halos isang metro ang water level sa Angat Dam nitong Lunes dahil sa ulan na dulot ng bagyong Aghon .

Batay sa 24-hour rainfall monitoring ng PAGASA nitong Lunes ay umabot sa 179.79 meters ang water level sa Angat Dam. Mataas ito ng 93- centimeters kumpara sa dating 178.86 meters na water level.

Gayunman, nanatiling kulang ng 30.21 metro ang tubig sa dam para maabot nito ang normal high water level na 212 meters at kulang din ng 21 centimeters para sa minimum operating level na 180 meters.

Bukod sa Angat dam, tumaas din ng bahagya ang water level sa limang dam sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kabilang sa mga ito ang Ipo dam, La Mesa Dam, Binga dam, Pantabangan dam at Caliraya dam.

Nanatili namang mababa ang water level ng Ambuklao dam, San Roque dam at Magat dam.

AUTHOR PROFILE