BI

BI isasagawa nationwide service caravan sa Batangas

May 27, 2024 Jun I. Legaspi 193 views

INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang ikaapat na bahagi ng kanilang nationwide service caravan na isasagawa sa Batangas City.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang South Luzon leg ng Bagong Immigration Service Caravan ay isasagawa sa Batangas City sa June 6.

Layon ng caravan na mas gawing kumbinyente ang pagproseso ng mga essential services para sa mga dayuhang naninirahan sa Southern Luzon.

“Our goal is to bring our services closer to people,” said Tansingco. “While many of our services are now accessible online, we recognize the importance of personally engaging with our communities to facilitate immigration compliance,” diin ni Tansingco.

IIang rehisyon na rin sa bansa ang binisita ng service caravan para sa mas madaling proseso ng iba’t ibang BI transactions, kabilang ang pagpapalawig ng effectivity ng tourist visas, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang essential services.

Bukod dito, mas madali rin ang pagrereport ng mga illegal aliens at foreign sexual predators.

“We aspire to enhance accessibility, efficiency, and transparency in our operations, thereby contributing to a safer and more secure Philippines,”saad pa ni Tansingco.

Sinimulan ang caravan sa Zamboanga City noong March 6, sumunod ang Iloilo leg noong April 17, at Baguio leg noong May 8.

Magsisimula ang Batangas leg ng service caravan ng alas-7 ng umaga hanggang alas-5:30 ng hapon.

Hinikayat ng ahensya ang lahat ng mga dayuhang naninirahan sa lalawigan na samantalahin na ang service caravan.

Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa service caravan schedule, maaaring bisitahiin ang official website ng BI na www.immigration.gov.ph.

AUTHOR PROFILE