Pasahero Source: FB

Pasahero sa eroplano arestado sa bomb joke

May 6, 2024 Jun I. Legaspi 93 views

ISANG outbound passenger ang inaresto ng airport police dahil sa bomb joke sa Davao International Airport noong Biyernes.

Ayon sa Davao International Airport Police Station, nangyari ang bomb joke sa counter 8 ng airline check-in counter habang naghahandang sumakay sa flight TR361 patungong Singapore.

“Wala ni mabuak diri Ma’am, bomba lang, ay joke lang ma’am, sorry ma’am”, sabi ng suspek.

Agad namang inalam ng customer service agent ang laman ng bagahe ng pasahero na bumibiyahe kasama ang tatlong iba pa.

Inalerto rin ang airport security dahil sa bomb joke,

Rumesponde rin ang Davao International Airport Police Station (DIAPS) at inaresto ang pasahero dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1727, o Anti-Bomb Joke Law.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang isasampang kaso laban sa kanya. Pinaalalahanan ang publiko na may katumbas na limang taong pagkabilanggo o multang P40,000 ang bomb joke.

AUTHOR PROFILE