DFA

DFA posibleng maghain muli ng protesta vs China

May 6, 2024 Edd Reyes 93 views

POSIBLENG maghain ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China bunga ng ginawang pag-target nito sa bandila ng Pilipinas na nakakabit sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sa kasalukuyan, nasa 153 na ang kanilang naihaing diplomatic protest sa Beijing, China, kabilang na rito ang pinakahuling pambobomba ng water cannon sa barko ng PCG na nagsasagawa ng humanitarian mission sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Sa pahayag ni DFA spokesperson Ambassador Maria Teresita Daza, pinag-aaralan na ng ahensiya ang pagsasampa ng panibagong protesta laban sa China dahil tinarget ng kanilang barko ang nakalagay na bandila ng Pilipinas sa barko ng PCG na naglalayag sa Scarborough Shoal.

Dugtong pa ni Daza, hinihintay na lamang nila ang pinal na ulat mula sa PCG kaugnay sa naturang insidente na kanilang gagamiting batayan sa paghahain ng reklamo.

Nauna ng ipinahayag ng PCG sa pamamagitan ng kanilang spokesperson sa WPS na si Commodore Jay Tarriela na sinadya ng Chinese vessel na targetin ang nakalagay na bandila ng Pilipinas sa barko nang bombahin ng water cannon.

AUTHOR PROFILE