Sharon

Sharon, tinuligsa sa TVJ guesting Megastar, sumagot: Kitid congrats!

June 30, 2023 Ian F. Fariñas 304 views

HINDI nakapagpigil si Sharon Cuneta na barahin ang isang netizen na nag-comment sa kanyang recent Instagram post tungkol sa guesting niya ngayong Sabado sa pilot telecast ng TVJ at legit Dabarkads show sa TV5.

Sa naunang post, binalikan niya ang importansya ng TVJ at ng nasabing noontime show sa buhay niya.

Anang Megastar, “See you on July 1!!! Without my Daddy Tito Sotto who discovered me, I never would have become a singer or (more importantly) have had a second father; without Tito Vic Sotto I never would have had my first memorable hits after Mr. D.J.; without Tito Joey De Leon I never would have had memorable hits after Mr. D.J. as well, or a first co-host on my own The Sharon Cuneta Show from 1986 on IBC 13 until around 1988 on ABS-CBN. I have a 44-year history with eat-bulaga — I used to appear there regularly starting in their first home, RPN 9, in my St. Paul uniform without makeup! As much as I love my ABS-CBN Kapamilya, I could NEVER NOT give importance to my eat-bulaga family. My home station ABS-CBN has known and respected this since I joined it in 1988. Wala pang legit dabarkads o si @iceseguerra sa ‘Little Miss Philippines’ sa eat-bulaga noon, ako na ang baby nila! And I will be there for them whenever they call me. It’s PAYBACK TIME, which is how it forever will be for me towards eat-bulaga! No one can ever put a beloved institution down.”

Dito na nag-comment ang isang netizen na nagsabing dapat ay nanahimik na lang si Sharon.

“You should need to keep silent. You also disappointed the followers of ABS-CBN. Para kang balimbing!” diretsahang paninita nito sa singer-actress.

Kaya naman sinagot siya ni Sharon ng, “wow. Kitid congrats!”

Samantala, handang-handa na nga ang lahat sa pagbabanggaan ng tatlong noontime shows (It’s Showtime, Eat Bulaga at TVJ and the legit Dabarkads) sa GTV, GMA at TV5 ngayong Sabado.

Ang team nina Vice at ng TVJ, nagsabi nang marami silang pasabog at paandar na dapat abangan ng televiewers ngayong weekend habang tahimik naman ang kampo ng TAPE, Inc.-produced show na sinasabing posibleng makipag-collab sa It’s Showtime para sa malakasang pwersa sa noontime programming.

AUTHOR PROFILE