Marian

DongYan, malabong magka-baby No. 3

June 30, 2023 Vinia Vivar 267 views

FULL-TIME na nga ulit sa pagiging artista si Marian Rivera matapos mag-lie low ng five years dahil kinailangan niyang mag-focus sa mga anak na maliliit pa.

Ngayon ay balik na siya sa paggawa ng teleserye sa GMA-7 with Gabby Concepcion at kasabay pa nito ay gagawin din niya ang reunion movie nila ng asawang si Dingdong Dantes under Star Cinema, APT Entertainment at Agosto Dos.

“Actually, ‘yung sa soap, very excited kasi ang tagal na nito. Parang dapat last, last month pa kami nag-start, so may mga inayos lang na konti,” sey ni Marian sa grand media launch ng BlancPro, affiliate ng Beautederm.

Dahil nga matagal-tagal ding namahinga si Marian sa limelight, gusto niya na sa kanyang pagbabalik ay maipagmamalaki nya ito sa kanyang dalawang anak na sina Zia at Sixto.

“Gusto ko, kapag gumawa ako ng proyeko, pwedeng panoorin ng mga anak ko at magiging proud ako. So, ito ‘yung isa sa mga proyekto na ‘yun,” sey niya.

Dream come true naman ang comeback movie nila ni Dong dahil first time niyang gagawa under Star Cinema plus comeback film pa nila ng asawa after so many years.

‘Yun nga lang biro niya, “Hindi ko lang alam kung paano ko hatiin ang sarili ko.”

Sinabi rin ng aktres na months ago ay nagpaalam na siya kina Zia at Sixto na magtatrabaho na siya.

“Open ang communication ko sa kids at kahit bata pa sila, ine-explain ko na sa kanila, ‘eto ang gagawin ni Mama, ‘eto ‘yung mga times na wala si Mama,’ o ‘eto ‘yung mga times na free si Mama, masasamahan ko, makakapasyal tayo.’

“So, I’m very open to my kids especially to Zia. Si Zia kasi, medyo mature na talaga mag-isip, naiintindihan na niya. So, ‘pag wala ako, sasabihin ko sa kanya, ‘bahala ka na sa kapatid mo, ha? Ikaw ang tatayong Mama ni Sixto kapag wala si Mama,’” kwento ni Marian.

Nagsabi siya sa mga bata na four months lang naman siya magwo-work.

“Four months lang, and then, after, go back na ulit kami. Back to routine na ulit ako sa kanila sa school,” sey ni Marian.

Natanong nga rin namin si Marian kung may plano pa for baby number three at aniya, sa rami ng trabaho this year ay malabo ito.

Samantala, ang BlancPro ay sub-brand/affiliate ng Beautéderm at ito ay nag o-offer ng epektibong skincare products sa mababang halaga na mabibili ng masa.

Layunin nito na tulungan ang consumers na mapanatili at ma-improve ang “glow” nila na mayroong tagline na “Glow Like A Pro.”

“BlancPro is tailored to cater to consumers who seek effective yet budget-friendly skincare products. What sets BlancPro apart is its use of quality ingredients, carefully formulated to suit all skin types,” saad ni Beautederm President and CEO Rhea Anicoche-Tan.

Ilan sa mga produkto nito ay ang Milk Body Wash, Sakura Body Scrub, Charcoal Foam, Phyto-Emerald Moisturizing Soap, Sleeping Mask at ang Jeju White Brightening and Moisturizing Lotion na iniendorso ni Marian.

“Marian Rivera has been a dear friend for many years. As the official endorser of Beautéderm Home, her effectiveness in representing the brand has been undeniable, leading my team and me to select her as the face of BlancPro. Marian embodies grace, confidence and beauty,” sey ni Ms. Rei.

AUTHOR PROFILE