Ellen

Ellen, ibinulgar: Lloydie, P20,000 ang sustento kay Elias kada buwan

July 1, 2023 Vinia Vivar 220 views

EliasSa latest “ask me a question” Instagram Story ni Ellen Adarna ay game niyang sinagot ang mga tanong ng netizens hinggil sa mga bagay na may kinalaman sa pera.

Isa sa mga tanong ay kung paano nila hina-handle ng mister niyang si Derek Ramsay ang kanilang finances.

Ayon kay Ellen, may sari-sarili silang pera ng asawa.

“Honestly guys, our finances, how we handle our finances are still the same when we started dating. He has his own, I have my own but we do have a joint account and we only use that for emergency when there’s something at home or when we travel,” pagbabahagi ng aktres.

“So far, there’s no problem pa naman about the finances,” dagdag pa niya.

Isa pang natanong sa kanya ay kung binibigyan ba siya ng pera ni Derek at ayon kay Ellen ay hindi siya nanghihingi.

“Maybe if I don’t have a job and there’s no money coming in, maybe I will ask money from him. That’ s a desperate situation already,” aniya.

Dagdag pa niya mabigat sa loob niya na manghingi kahit kanino dahil hindi siya pinalaki nang ganito.

“Masakit sa loob ko day, mabigat to ask something from someone. I wasn’t raised like that. And knowing myself, I will never allow that to happen to me. I will find ways,” she said,

But still, siyempre ay bina-budget pa rin niya ang kanyang pera at aniya, “money in not unlimited.”

Pero ayaw nang sagutin pa ni Ellen kung magkano ang kanyang monthly income.

“I’m not comfortable to share (my monthly income). My father taught me never to share how much money we have or how much money we’re having. So, please don’t ask me this question again.”

Hindi rin nakaligtas si Ellen sa tanong kung nagbibigay ba ng sustento buwan-buwan ang tatay ng anak niyang si Elias na si John Lloyd Cruz at sinagot naman niya ito.

“Ok, I’m going to answer this because I get this a lot. Yes, he does. He asked me how much does Elias need. I gave him a breakdown of his basic needs, just his basic needs. And that’s P10,000 max (maximum),” pahayag ni Ellen.

Bagama’t P10,000.00 lang ang kanyang sinabi, si Lloydie na raw ang nagkusa na doblehin ito. Alam daw niyang kayang-kaya ng aktor ang magbigay ng mas malaki pero hanggang P20,000.00 lang ang kaya niyang tanggapin.

“He insisted on doubling it. I know he’s more than capable of giving more than that, but I told him I cannot accept anything more than P20,000 and that’s it,” she said.

Naniniwala siya na mayroon din siyang sariling obligasyon bilang ina ni Elias.

“Because we are co-parenting, I have my obligations and responsibilities for Elias, so it’s just fair. So, there. Anything more than P20,000 for me is just not right,” aniya.

Paliwanag pa ng misis ni Derek, hindi pa nag-aaral si Elias at basic pa lang naman ang mga pangangailangan nito.

AUTHOR PROFILE