Noontime show ng TVJ sa TV5 wala pang final na titulo, mga katapat lumalaban

July 1, 2023 Aster Amoyo 319 views

TVJShowtimeBulagaNAGPABONGGAHAN ang tatlong noontime show sa telebisyon kahapon, araw ng Sabado, July 1, ang TVJ and the Dabarkads sa TV5, ang “It’s Showtime” sa GTV at ang new “Eat Bulaga” on GMA at agad malalaman kung aling programa ang nag-trending.

Hanggang natapos ang programa ay hindi pa rin tuluyang nire- reveal ng TVJ at ng Dabarkads ang official title ng kanilang bagong noontime program sa kanilang bagong tahanan ang TV5. Pero malinaw na naroon ang letrang “Eat” na hango sa kanilang original noontime program na “Eat Bulaga”.

The word eat could possibly mean “Eto and Totoo!” dahil ang TVJ na sina Tito, Vic & Joey ang original hosts ng old “Eat Bulaga” na tumagal sa ere ng halos 44 years and will be celebrating their 44th year ngayong July 30.

In full force ang respective families ng TVJ na hindi rin naiwasan ang maging emotional nang hindi inaasahang mapaiyak ang tatlong poste sa kanilang pagpasok pa lamang sa kanilang bagong tahanan.,

Sa paglipat ng TVJ and the Dabarkads sa TV5 ay kasama rin nila ang kanilang mga major sponsors throughout the years.

Hindi naman nagpabaya ang mga stars and talents ng Kapuso network sa pag-welcome sa GTV sa programang “It’s Showtime” na pinangungunahan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Amy Perez, Ogie Alcasid, Kim Chiu at iba pa.

Kahit sinabi ni Atty. Felipe Gozon, ang chairman ng GMA na wala umanong TV war, buhay na buhay pa rin ito hanggang ngayon laluna sa paglipat ng TVJ and the Dabarkads sa TV5 maging ng “It’s Showtime” sa GTV.

Samantala, maka-sustain kaya ang bagong “Eat Bulaga” on GMA sa kanilang ratings ngayong wala na ang mga poste sa programa? Ito’y malalaman sa mga sumusunod na araw.

Kung maraming loyal viewers ang TVJ at ang Dabarkads, ganoon din naman ang “It’s Showtime” habang nagbi-build-up pa lamang ang mga bagong hosts ng “Eat Bulaga” na sina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at iba pa nilang mga kasama. Except for the goodwill ng titulong “Eat Bulaga,” ibang-iba na ang content nito ngayon.

Amy naging emotional sa pamamaalam sa programa

NAGING emotional si Amy `Tsang’ Amy Perez sa pagtatapos ng kanyang long- running radio-TV show, ang DZMM TeleRadyo ng ABS-CBN, ang “Sakto” along with her co hosts na sina Jeff Canoy at Johnson Manabat kasama ang weatherman na si Ariel Rojas at Migs Bustos along with the entire staff and crew ng nasabing program na nagsimulang humimpapawid nung 2014 at kung saan si Marc Logan ang kanyang unang naka-tandam mula 2014 hanggang 2018. Nung 2018 naman hanggang 2020 ay nakasama niya si Kim Atienza na nasa Kapuso network na.

Sa pagbabalik sa TeleRadyo ng programang “Sakto” ay naging co hosts naman ni Tsang Amy sina Jeff Canoy at Johnson Manabat.

Saying goodbye is never easy lalupa’t matagal mo na itong ginagawa at napamahal na sa `yo ang iyong mga kasamahan sa trabaho laluna ang inyong avid listeners and viewers sa inyong programa.

Aminado ang pamunuan ng ABS-CBN na hindi na umano nila kaya i-sustain ang TeleRasyo dahil sa patuloy nilang pagkalugi. Pero gumagawa pa rin sila ng kaparaanan na mabigyan ng trabaho ang kanilang displaced employees, talents and staff.

ABS-CBN is getting into partnership with Prime Media Holding, Inc. na pag- aari ng Speaker of the House na si Martin Romualdez with the former as a minor shareholder habang ang Prime Media naman as the major shareholder. Dahil sa partnership na ito ay mabigigyan pa rin ng trabaho ang mga empleyado, talents and staff na nawalan ng programa.

Bukod sa “Sakto” nina Tsang Amy, Jeff at Johnson, nawalan din ng respective programs and work ang iba pang mga radio anchors tulad nina Kabayan Noli de Castro, Jun Banaag, Doris Bigorniya, Alvin Elchico, Peter Musngi at iba pa.

Magmula nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung May 5, 2020, libu- libong empleyado at talents ng dating number TV nertwork ang nawalan ng trabaho. Dahil dito, pumasok sila sa iba’ ibang business partnerships and collaborations with other TV networks and entities para maihatid pa rin sa publiko ang pagbabalita, entertainment at public service and to keep them afloat.

Dahil sa joint business partnership ng Prime Media Holding and ABS-CBN, maibabalik na rin sa ere ang 630 khz, ang dating AM station na dating DZMM pero ito’y magiging DZPM na (for Prime Media) at maipagpapatuloy pa rin ng mga dating anchors, staff and crew ang kanilang nawalang programa sa TeleRadyo ng ABS-CBN.

Kung dati-rati’y kayang-kayang i-sustain ng ABS-CBN ang kanilang mga programa hindi lamang sa radio kundi maging sa telebisyon at iba pang platform, ngayon ay wala silang choice kundi ang makipag- collaborate with other existing TV networks para mapanood pa rin ang kanilang mga programa sa free TV at makipag-alyansa sa ibang kumpanya for the radio broadcast ng kanilang mga programa.

Who would ever think na magkakaron ng business partnership ang dating leading radio and TV network with other major TV networks tulad ng GMA at TV5? Ang imposibleng mangyari noon ay posible na ngayon sa mga major TV networks.

‘Bubble Gang’ mas maganda ang lilipatang araw at oras

TIYAK na matutuwa ang mga loyal viewers ng longest-running gag show on Philippine Television, ang “Bubble Gang” on GMA dahil sa darating na October 20 ay magtu-28 years na ito at tanging si Michael V. na lamang ang natitirang original sa programa at mapapanood na ng wider audience dahil ang dating time slot na ito ng Friday night ay malilipat na sa araw ng Linggo sa ganap na ika-6 ng gabi simula sa darating na July 9.

May mga bagong karagdagan na rin sa programa tulad nina Kokoy de Santos, Edgar Allan Guzman, Buboy Villar, Ana Barro at Cheska Fausto. Bago rin ang kanilang director, ang co-director ng dating kiddie gag show ng ABS-CBN na “Goin’ Bulilit” na si Frasco Mortiz, anak ng singer, actor-comedian at director na si Edgar `Bobot’ Mortiz.

Since malilipat na sa earlier time slot ang “Bubble Gang” kung saan tampok din sina Paolo Contis, Betong Sumaya at Chariz Solomon, marami ring adjustments ang kailangan nilang gawin tulad ng pagkakaroon ng live audience at pag-adjust din sa kanilang content na masasakyan din ng mga bata .

Kung ang Tito, Vic & Joey ay synonymous sa “Eat Bulaga,” gayundin naman si Michael V. sa “Bubble Gang” na hindi nawawalan ng new ideas para sa programa.

John Lloyd patuloy na ginagampanan ang pagiging ama kay Elias

EliasJOHN Lloyd Cruz at Ellen Adarna are co-parenting their only child, Elias who just turned 5 years old last June 27.

JLC fulfills his obligation sa kanyang anak both financially, physically and emotionally.

JLC regularly picks up his son kaya may me and son time ang mag-ama.

Elias stays with his mom and his Papa D (Derek Ramsay) kaya super close ang bata sa husband ng kanyang mom.

Whenever na sinusundo si Elias ng kanyang dad (JLC), the kid also spends time with her Tita Isabel Santos, ang live-in partner ng kanyang ama kaya sa simula pa lamang ay sanay na ang bata sa kanilang blended family set-up.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channedl. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE