Guest

Baguhang aktor na gabi-gabing gumimik, lutang sa paghu-host

June 30, 2023 Jun Nardo 409 views

GABI-GABI pala kung gumimik ang baguhang aktor na produkto ng isang reality talent search.

Kaya naman tuwing pumapasok sa show, eh, halatang may hangover at lutang sa kanyang hosting.

Nakatikim kasi ng konting kasikatan ang young actor kaya ninanamnam ang pagiging entitled niya kapag gumimik at nakilala ng mga tao.

Pero dahil sa ugali niyang lutang sa trabaho dahil puyat gabi-gabi, binibilang na ang kapalpakan niya at handa na siyang ng TV execs.

GOWNS, DINU-DONATE NI MJ SA ASPIRING BEAUTY QUEENS

MJGUSTUHIN man ng beauty queen-turned-actress na si MJ Lastimosa na manatali sa Eat Bulaga, decision na ng kanyang management kung bakit hindi na siya nagpatuloy pa sa show.

Napamahal na kay MJ ang kagrupo niyang sina Maine Mendoza, Maja Salvador at Miles Ocampo pero wala siyang magagawa.

Eh, nang makausap ng Marites University host, nalaman naming tumutulong si MJ sa mga aspiring beauty queen.

Kapag may gamit siyang hindi na masyadong ginagamit gaya ng gown o sapatos, dinu-donate niya ito sa Kagandahang Flores na nagti-train ng beauty queen aspirants.

Sa edad na 33, single pa rin si MJ pero walang pagsisisi dahil isa siyang driven at independent woman.

Panoorin sa MU ang interview namin kay MJ.

AUTHOR PROFILE