Gabby

Gabby, gusto nang mag-asawa si KC

June 30, 2023 Vinia Vivar 227 views

Bilang isang ama, gusto ni Gabby Concepcion na mag-settle down na ang anak na si KC Concepcion at magbawas na ito ng pagta-travel.

Nasabi ito ni Gabby sa anak sa latest vlog ng aktor uploaded sa kanyang YouTube channel last Wednesday at may titulong “Top 5 Personal Questions From KC Concepcion.”

Isa sa mga tanong ni KC sa ama ay, “What should I do more and what should I do less?”

Sabi ni Gabo, “’’Yung totoo lang?”

Sagot naman ni KC, “Eh, Papa kita kahit anong mangyari, Papa kita. You can say what you want.”

Dito na sinabi ni Gabby ang kanyang nararamdaman.

“I think you should do less traveling and then do more of settling,” payo ng aktor.

Sabi ni KC, “OMG, pinapagalitan ako in public!”

Bawi naman ni Gabby, “Pero hindi, okay lang naman. Baka mali rin naman ako, eh. Pwedeng baligtad din. You should do more travelling and less settling.”

Sabi ni KC, “Whattt???!”

Tanong pa ng dalaga, “Eh, what if kailangan mong mag-travel to settle?”

Sabi naman ni Gabby, “Pwede rin.”

Paliwanag pa niya, “Ang travel na sinasabi ko lang is ‘yung travelling from one to another and settling with just one. . .”

Tanong ni KC, place ba ang tinutukoy ng ama at sabi naman ni Gabby, pwede rin.

“Okay, gets ko na, gusto na niya talaga akong mag-settle down. Bibilhan ko na lang ‘yung sarili ko ng engagement (ring), sey ni KC.

Anyway, marami pang tinanong ang dalaga sa kanyang ama at kitang-kita talaga ang kanyang pagka-Papa’s girl.

You can see na enjoy na enjoy siya with her father at sinabi rin niya naman sa vlog na talagang simula nang naging close siya sa ama ay marami siyang natutunan when it comes to relationships in life.

“I notice the change with me, ha, like when I got close to you, parang I respected men more,” sey ni KC sa ama.

Makikita rin sa vlog ang magagandang payo ni Gabby kay KC at ang sensible opinions niya about things na pinakinggan naman ng dalaga.

Sa huli, mensahe ni KC sa kanyang ama, “Papa, thank you for being my strength and for being my ano, also the wind beneath my wings especially now in my 30s, you’ve been there for me very much.”

AUTHOR PROFILE