Zeinab

#JusticeForAwra, trending topic online… Zeinab at iba pang kaibigan, nakisimpatiya kay Awra

June 30, 2023 Vinia Vivar 248 views

Habang sinusulat namin ito, top trending topic sa Twitter ang “#JusticeForAwra” kaugnay ng pagkaka-aresto kay Awra Briguela noong Huwebes ng umaga sa Makati City.

Inaresto si Awra ng PNP (Philippine National Police) Makati matapos masangkot sa isang rambulan sa harap ng The Bolthole Bar sa Poblacion, Makati City.

Nahaharap siya ngayon sa mga kasong physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority at direct assault.

Ayon sa lumabas sa initial investigation base sa salaysay ng mga complainant, si Awra at ang kanyang mga kaibigang babae ang nagsimula ng gulo

Pahayag ng lalaking nakaalitan ng Kapamilya star, pinahuhubad ni Awra ang T-shirt niya at nang tumanggi siya ay sinundan siya nito at pinunit ang kanyang damit.

Dito na umano sila nagsimulang magkainitan hanggang sa nakisali na ang mga kaibigan ni Awra at humantong na nga sa rambulan.

Pero iba naman ang sinasabi ng mga kaibigan ni Awra kabilang na si Zayla Nakajima na naglabas ng statement sa Instagram.

Bagama’t naka-private na ang kanyang account ngayon, may netizens na nakapag-screenshot na ng kanyang mga sinabi.

Ayon sa statement ni Zayla, dinipensahan siya ni Awra mula sa isang grupo ng mga lalake na nagtangkang mang-harass sa kanya sa The Bolthole Bar.

Narito ang kabuuan ng statement ni Zayla:

“This is to end all made-up stories circulating online about the Bolthole (incident) involving my dearest sister, Awra.

“Last night, Awra and the rest of our friends decided to club-hop in Poblacion, then we ended up clubbing in Bolthole in Makati. To emphasize, the vibe there is very dark and it uncomfortably crippled to me that I (don’t) feel safe, at all, immediately right when we entered.

“Minutes later, there’s one guy who creepily harassed me with two attempts. First attempt, he touched my bum and squeezed it – I was wearing a bra-top at the time. Second and worst attempt, he tried to insert his bare hands inside my bra. He is full-creep and been roaming around the club and every time he gets near to me, I avoid him and that’s where I draw the line. I decided to go home and leave.

“After this harassment against me and my friend Mary Joy—my dear friend Awra confronted the guy very calmly after the party to defend me and our friend.

“And since he is a plain as*hole, Awra and this creepy guy got heated up and that’s where the trouble began. Just because Awra wanted to defend us from (this) creep.

“The guy threw fists first to Awra, of course as part of self defense, Awra fought back too. This assault is never ok, knowing it’s pride month and we all just want to have fun.

“I feel like all of our real friends will definitely armor us with this kind of people and Awra is just too humane to be defending her girlfriends and different stories unravel online like a wildfire.

“The handcuffing clips circulating online tolerated negative versions of the story and this is something we don’t take lightly. We are filing a strong case against this abuser and best hope this truth reveals what truly happened.

“To my friends and Awra’s, please help us mass report anything degrading online. And to the influencers who meddled wrongly in this situation, think before you click. This is not the ‘content’ worth clouting for. This is very wrong.”

Kasunod nito ay bumuhos ang simpatiya ng netizens para sa Kapamilya star at nag-trending sa Twitter ang #JusticeForAwra.

Kabilang sa mga nakisimpatiya at nagpahayag ng suporta ang celebrity friends ni Awra tulad nina Riva Quenery, Zeinab Harake at content creators Ayn Bernos at Mica Salamanca.

“Having awra sa buhay ng mga kaibigan nya is a win grabe tong batang to sa sobrang pag mamahal nya magagawa nya yung mga bagay na hindi mo aasahan maparamdam lang nya sayong anjan sya sa hirap o ginhawa. kaya andito den kaming mga totoong ipag lalaban ka walang iwanan sa ere ayun ang tunay na kaibigan!!” tweet ni Zeinab.

“Hindi na kinakaya ng sikmura ko ang sakit sakit sa puso #JusticeForAwra Laban nakcha pinaka the best ka sa lahat walang makakabago ng tingin namin sayo lalong lalo na ako madami kaming andito para sayo,” another tweet ni Zeinab.

“Isang malaking katanungan lang yung nasa isip ko at ng maraming tao na kung BAKIT SI AWRA LANG ANG PINOSAS-AN AT INARESTO? Nasaan yung mga ibang lalaking na involve sa away?

The worst part is, multiple charges have been filed against Awra. Tulad daw ng assault sa pulis, disobedience at resisting arrest. Paano naman magagawa lahat ni Awra yan eh kitang kita naman sa video na hawak na sya ng dalawang naglalakihang bouncer at pinoposasan pa ng pulis. Nangangatwiran lang naman yung kaibigan ko pero sigurado ako hindi mananakit yun ng otoridad. Nakita ko pa kanina na ang dami nyang pasa sa likod, at may malaking bukol pa sa ulo. Hindi man lang siya sinuri or pinagamot ng maayos,” pahayag ni Riva sa kanyang Instagram.

Dagdag pa niya, “Saludo ako kay Awra at kilala ko sya bilang kaibigan na kaya ka nyang ipaglaban. Pero bakit kung sino pa ang ang nasa katwiran, sya pa ang ikukulong?”

Tweet naman ni Ayn, “Nakakaiyak panoorin yung ginawa nila kay Awra. Hindi ko matapos. Ang lala! Grabe sila!”

Dagdag pa niya, “they gave the alleged harasser an alias while they plastered Awra’s mugshot everywhere. Wow ha.”

Sey naman ni Mica in her tweet, “So now we’re just gonna go for the one who addressed the harassment? Not the one who did it? Sana ganyan din kabilis at kalala action doon sa nanghipo.”

As of press time ay hindi pa nagbibigay ng kanyang panig si Awra tungkol sa nangyari.

AUTHOR PROFILE