Sharon lumabas ang pagka-fan girl

October 16, 2023 Aster Amoyo 178 views

Sharon1HINDI ikinakaila ng Megastar na si Sharon Cuneta na siya’y big fan ng mga K- drama, K-movies at K-Pop stars at isa rin siya sa big follower ng K-Pop group na SHINee, isang popular boy-group na kinabibilangan ng anim na miyembro – sina Jonghyun, Key, Choi Min-ho, Minho, Onew at Taemin.

Nung nakaraang taon (May 2022) ay hindi pinalagpas ni Sharon ang “Begin Again: KPOP Edition” concert na ginanap sa Araneta Coliseum kung saan isa si Key ng SHINee sa lead performers. Nitong nakaraang Biyernes, October 13, 2023, nagmistulang fangirl ang misis ni dating Sen. Kiko Pangilinan na napaiyak nang personal na makaharap ang isa rin sa mga sikat na member ng SHINee na si Taemin who was among the three lead performers ng “K-Magic Live” concert na ginanap sa SM MOA Arena kung saan kasama ni Taemin sina Yugyeom at Hyoyeon na nagmula naman sa ibang popular K-Pop groups. The concert was produced by OctoArts Entertainment.

Since kilala naman ni Sharon ang OctoArts big boss na si Boss Orly Ilacad, hindi naging mahirap sa kanya na makaharap ang isa sa mga hinahangaan niyang K-Pop artist na si Taemin backstage at hindi nito maitago ang kanyang pagiging big fan nang makausap niya ito in person. Napaupo at halos maiyak si Sharon sa sobrang tuwa dahil napakabait umano ng kanyang idolo.

“Sige magtawa kayo!!! Di ko kinakaya itoooooo!!! So unexpected!!!! I didn’t even make a request but God was watching me!!!” post niya sa kanyang IG account.

“In two weeks ako naman sa MOA ngeeeee!! (referring to her “Deart Heart” concert with ex-husband Gabby Concepcion on October 27).

“Thank you so much Taeminssi! You are so nice and humble and more handsome in person! Like I promised, I will always pray for you! God Bless you!”

“I will never forget this night,” mensahe niya.

Samantala, sa darating na October 27 ay balik si Sharon sa MOA Arena for “Dear Heart” Concert nila ng kanyang dating mister na si Gabby Concepcion na susundan ng concert nila sa Grand Ballroom ng Okada Manila on October 30. It took the former couple 42 years after their first movie together in 1981, ang “Dear Heart”na dinirek ni Danny Zialcita under Sining Silangan Productions at kung saan nabuo ang pag-iibigan ng dalawa na nauwi sa kanilang pagpapakasal in 1984 at sila’y nabiyaan ng isang anak, si KC Concepcion.

Speaking of KC, inaasahan ang pagdalo nito sa rare and first time concert ng kanyang celebrity parents sa MOA Arena ngayong October 27.

Pelikulang Hollywood ni Liza ipalalabas na

LizaLiza1TIYAK na matutuwa ang mga fans ng 25-year-old Filipino-American actress at dating Kapamilya star na si Liza Soberano (Hope Elizabeth Hanley Soberano) dahil malapit nang matunghayan ang kanyang Hollywood debut project, ang “Lisa Frankenstein” na tinatampukan ng American actress na si Kathryn Newton kasama sina Carla Gugino, Cole Sprouse, Henny Eikenberry, Joey Harris, Joe Chrest, Jenna Davis, Sylvia Grace Crim, Charlie Talbert, Ritchie Montgomery, Walker Babington at iba pa. Ang nasabing pelikula ay feature-length directorial debut ni Zelda Williams, anak ng yumaong actor-comedian na si Robin Williams.

Ang horror, comedy, fantasy and romance film na “Lisa Frankenstein” na sinulat ng academy award-winning writer na si Diablo Cody ay nakatakdang ipalabas on February 9, 2024.

Liza plays the role of Taffy, ang step-sister na ginagampanan ni Kathryn Newton.

Ang pagiging bahagi ni Liza ng isang Hollywood film ay isa na namang achievement na maituturing not only for Liza kundi para na rin sa Pilipinas at sa Philippine movie industry kung saan nagsimula at nakilala ang Fil- Am actress sa bakuran ng ABS-CBN.

Samantala, ang 26-year-old American actress na si Kathryn Newton ay nakilala sa CBS comedy series na “Garry Umarried,” sa HBO mystery-drama seriss na “Big Little Lies,” Netflix teen drama series na “The Society” at sa fantasy series na “Supernatural” maging sa drama series na “Halt and Catch Fire”. Nagbida rin siya sa comedy film na “Bad Teacher” at sa super natural horror film na “Paranormal Activity 4” among others.

Madaling nagkasundo sina Kathryn at Liza se set lalupa’t halos magkasing- edad lamang ang dalawa.

Hindi ikinakaila ni Liza na may halong kaba ang kanyang naramdaman sa pagsisimula ng shoot ng movie pero agad napalagay ang kanyang loob dahil very welcoming umano ang cast ng “Liza Frankenstein”.

Ang tanong ngayon ng marami, masundan pa kaya ang Hollywood project ni Liza ngayong malapit nang maipalabas ang kanyang Hollywood debut film?

Kamakailan lamang ay namataan si Liza sa Milan fashion week in Milan, Italy.

Alex iilan ang kaibigan sa showbiz

EmpoyPioloNAG-EVOLVE na ang pagiging mahusay at award-winning actress ni Alessandra de Rossi or Alex dahil pinasok na rin nito ang pagiging writer and producer.

Hindi ikinakaila ng multi-award winning actress na kahit noon pa man ay mapili na umano siya sa mga proyektong kanyang tinatanggap o ginagawa.

“I only accept and do projects na aking pinaniniwalaan at kaya kong gampanan,” aniya during our exclusive interview with her for our “TicTALK with Aster Amoyo” vlog.

Kilala si Alex sa pagiging straightforward and speaks her mind na kabaliktaran sa kanyang elder sister na si Assunta de Rossi na masaya ngayon bilang housewife to former businessman and former politician na si Jules Ledesma at pag-aalaga sa kanilang only child na si Fiore.

In showbiz, mabibilang din sa daliri ang super close friends ni Alex at kasama sa mga ito ang actor and film producer na si Piolo Pascual at Empoy Marquez. Kakaiba ang na-develop na friendship sa pagitan nina Alet at Piolo maging ang kanyang co-star sa “Kita Kita” at “Walang KaParis” na si Empoy na kung ito’y lalagyan ng ibang kahulugan ay aakalaing may romantic relationship ang dalawa.

“Grabe and pagiging kumportable namin sa isa’t isa ni Papa P (Piolo) ganundin kami ni Empoy,” pag-amin ni Alex.

“They are my best friends,” bulalas pa niya.

Si Piolo (along with his other business partners) ang producer ng “Kita Kita” movie nina Alex at Empoy na dinirek ni Sigrid Andrea Bernardo at siyang may hawak ng record-breaking indie film of all time na kumita ng mahigit P320M sa takilya. Dahil dito, parehong nakatikim sina Alex at Empoy ng tig-P1M bonus from Piolo (of Spring Films).

Natutuwa rin si Alex na pinakikinggan ni Piolo ang kanyang creative ideas at pumayag itong i-produce ang pelikulang “My Amanda” na kanilang pinagtambalan at siyang directorial debut ng actress which she also co-produced with Spring Films.

Parehong single and un-attached sina Alex at Empoy. May posibilidad bang ma-in love sa isa’t isa ang dalawa?

“Yuck!” natatawang pahayag ni Alex na agad naman binalingan ni Empoy ng “Bakit?”

Kakaiba ang rapport at chemistry ng dalawa maging off-cam kaya naisipan silang pagsamahin ng Net25 sa isang upcoming sitcom na matutunghayan simula ngayong November 11.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE