Default Thumbnail

Sharon Cuneta nabago ang ugali dahil sa pulitika?

March 12, 2022 People's Tonight 1031 views

TulfoMARAMING nadismaya ng magalit si Sharon Cuneta kamakailan kay senatorial aspirant Salvador Panelo matapos kantahin ng huli ang kanyang classical song na “Sana’y Wala Ng Wakas” sa isang rally sa Quezon City kasama si vice presidential bet Sara Duterte.

Sa Instagram post ng singer sinabi nito na walang karapatan kantahin ang awitin niya nino man kundi tanging sa Leni-Kiko rally lamang daw.

Dagdag pa ng beteranang singer at asawa ng tumatakbong vice presidential bet Kiko Pangilinan, baka bumangon daw ang composer ng naturang kanta at kinikiabutan daw siya.

“Nanang ko po. Please lang nakakahiya naman sa amin ni Willy Cruz (composer ng kanta). You are not allowed to use our songs. Dont mess with a classic,” ayon kay Sharon.

Humingi naman ng paumanhin si Panelo kasabay ang sabi na nagpaalam siya sa copyright owner na Viva Records.

Dagdag pa ni Panelo paborito niyang kantahin ang nasabing awitin sa anak niya na may Down Syndrome noong ito ay nabubuhay pa.

Ani Panelo wala siyang masamang intensyon o balahurain ang kanta bagkus ay naaalala lamang niya ang kanyang pumanaw na special child tuwing kinakanta niya ang awiting ito.

Dahil sa sinabi ni Ate Shawie, maraming mga netizens at mga fans niya na rin ang nagalit sa kanya.

Ano raw ang masama kung kantahin ang nasabing kanta gayong nagpaalam naman pala ang senatorial candidate sa tunay na may-ari ng musika na Viva Records?

Pansin naman ng ilang netizen tila yumabang na raw ang mega star para pigilan ang sinuman na awitin ang kanyang mga kanta.

Tanong tuloy na mga mahilig mag-videoke, bawal na rin ba nilang kantahin ang mga awitin mo Ate Shawie?

Kaibigan naming magkakapatid si Miss Sharon Cuneta noon pa man dahil mabait at mapagkumbaba ito.

Kaya ganun na lamang ang aking pagkagulat ng magalit ito kay Atty. Panelo sa pagkanta ng kanang awitin. Parang ibang-iba na ngayon si Sharon.

Hindi ko tuloy masisi ang ilan kung mag-isip na nabago na raw ng politika ang pag-iisip ng veteran singer lalo pa’t ang asawa nito ay tumatakbo bilang vice president. Ni Erwin Tulfo

AUTHOR PROFILE