Default Thumbnail

Saludo kay PRO3 Chief, Brig. Gen. Val de Leon!

September 25, 2021 Marlon Purification 416 views

Marlon PurificationTAMA ang naunang impormasyon na ating natanggap.

Best Police Regional Office ang PRO3 na pinamumunuan ni Brig. Gen. Valeriano ‘Val’ de Leon.

Mahigit dalawang dekada nang uhaw na makuha ng mga taga-Camp Olivas sa San Fernando, Pampanga ang naturang parangal.

Naging posible ito dahil na rin sa maayos na pamamalakad ng heneral.

Partida pa iyan, batbat tayo ng problema ngayon likha ng pandemya, ngunit ang buong PRO3 ay tuloy lamang sa pagtupad sa kanilang trabaho tulad ng giyera kontra COVID-19, kampanya laban sa illegal na droga at ang pagsugpo sa iba’t ibang uri ng krimen.

Nito lamang unang linggo ng Setyembre ay apat na Chinese drug lords ang napatay ng mga operatiba ng PRO3 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa isang engkuwentro sa Zambales.

Mahigit sa 500 kilo ng shabu ang narekober dito na nagkakahalaga ng P3.5 billion – pinakamalaking accomplishment sa kasaysayan ng pulisya ngayong taon.

Nasundan ito sa pagkakaresto sa apat pang Chinese drug lords sa Bataan na nakuhaan naman ng 80 kilo ng shabu na may street value na P544 million, mamahaling sasakyan at matataas na kalibre ng baril.

Positibo ang komento ng intelligence community sa liderato ni De Leon.

Hindi raw ito nagdadamot ng impormasyon at masigasig makipag-coordinate sa lahat ng law enforcement agency.

Kalimitan kasi ang masamang experience ng ilang ‘law enforcement agency’ mula sa Camp Crame at Camp Aguinaldo ay ‘nasusunog’ agad ang malalaking trabaho kapag ibinababa na ang ‘intel’ sa ilang lokal na pulisya.

Pero ang pamunuan ng PRO3 ay hindi naging hadlang para isulong ang giyera kontra droga, kahit ngayong mataas ang covid cases sa bansa.

“To Serve is our Passion and To Protect is our Action,” paulit-ulit na sinasabi ni De Leon sa kanyang mga tauhan.

Ang catch dito, una nang lumabas ang report na Best Police Region sa Pilipinas ang PRO3 bago pa itong pinakamalaking accomplishments ng buong PNP hinggil sa droga. Nagresulta pa nga ang Zambales at Bataan operation upang maging matagumpay din ang follow up operations ng mga elemento naman ng PRO4-a sa lalawigan ng Cavite.

Ibig sabihin, consistent ang performance ni De Leon. May award o wala, trabaho lang ang magiting na heneral.

Ang nakatutuwa, hindi sinosolo ni De Leon ang kredito ng kanilang trabaho. Ibinabahagi niya rito ang mga opisyales at miyembro ng kanilang provincial, city at municipal police office sa buong Central Luzon na nakasasakop sa Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

Sinabi ni De Leon na ang magandang accomplishments ng PRO3 ngayon ay dahil sa masisipag niyang tauhan at siyempre ang hindi matawarang kooperasyon at tulong na ibinbigay sa kanila ng mga lokal na pamahalaan.

“This recognition will surely lift the spirits of our PRO3 personnel as we work tirelessly to fulfill our commitment of fighting criminality and wiping out illegal drugs in the region. I commend all the officers, men and women of the different police/city police provincial offices for a job well done,” ani De Leon sa kanilang FB account.

“We also share this feat with our stakeholders and all local government units who have been extending their unyielding support, we dare to soar and aim at raising ourselves to keep on delivering excellent police services to the people of Central Luzon ignited on our desire to continuously carry out our mantra, “dagdag pa ng heneral.

Ang pagbigay parangal sa PRO3 ay pinangunahan ni PNP chief Gen. Guillermo ‘Guillor’ Eleazar nang ipagdiwang ‘via virtual ceremonies’ ang 120th Police Service Anniversary ng pambansang kapulisan na may 210,000 strong population na alagad ng batas sa buong bansa.

Isang ‘snappy salute’ po, Gen. Val de Leon. Puwede ka na talagang maging PNP chief!

Hehehe.