Default Thumbnail

Salceda dinipensahan ang ‘MTFF’ ni PBBM

August 8, 2022 People's Tonight 289 views

DINIPENSAHAN ni House Ways and Means Chairman, Albay Representative Joey Sarte Salceda, ang katatapos lang na pag-apruba ng Kamara sa panukalang “2022-2028 Medium-Term Fiscal Framework” (MTFF) bilang “tamang hakbang alinsunod sa ‘international best practices’ sa pagbalangkas ng mga panuntunan at batas.”

Si Salceda ang nag-sponsor ng panukala o House Resolution No. 2 sa talakayan ng Kamara. Inilarawan niya itong “codification” ng kasunduan ng administrasyong Marcos Jr. at ng “bayang Pilipino sa mga pangunahing layunin sa economiya at pananalapi, at ito ay tama at magandang hakbang kaugnay sa nalalapit na talakayan sa badyet ng pamahalaang nasyonal.”

Nakapaloob sa MTFF ang mahahalagang layunin sa ekonomiya at pananalapi na magiging gabay sa paglikha ng mga kailangang batas ng Kongreso.

AUTHOR PROFILE