Marlon

Robin humingi ng paumanhin sa opisyal ng Senado sa IV drip issue

February 29, 2024 Marlon Purification 70 views

HUMINGI ng paumanhin si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla nitong Lunes sa opisyal ng Senado hinggil sa nangyari noong nakaraang linggo sa kanyang tanggapan na kinabibilangan ng kanyang maybahay na si Mariel T. Padilla.

Nagpadala ng liham si Padilla kay Dr. Renato DG Sison, direktor ng Medical and Dental Bureau; at kay (Ret) Lt. Gen. Roberto T. Ancan, sergeant-at-arms ng Senado.

“Kailanman po ay hindi ko naisip na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na alituntunin ukol sa seguridad ng Senado, lalo’t higit ang hindi pagbibigay-galang sa ating institusyon,” ani Padilla sa kanyang liham kay Ancan.

“Nais ko pong bigyan ng diin na wala pong intensyon ang aking maybahay na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na patakaran ng Medical Bureau,” ayon sa mambabatas, sa liham naman niya kay Sison.

“Makakaasa po kayo na hindi na mauuulit ang ganitong uri ng pangyayari,” idiniin ni Padilla kay Ancan at Sison.

Nitong Linggo, humingi rin ng paumanhin si Gng. Padilla sa publiko at sa Senado sa nangyaring pag-IV drip sa tanggapan ni Sen. Padilla. Nilinaw din niya na Vitamin C at hindi glutathione ang drip niya.

Sa ganang akin, magandang moved ang ginawang ito ng senador. Nag-sorry na rin ang aktres.

Sinsero ang ginawa nilang paumanhin at hindi na dapat pang palakihin!

Dapat nang tuldukan ang isyung ito dahil sigurado tayong malaking aral ang pangyayaring ito hindi lamang sa mag-asawang Padilla kundi sa lahat ng government officials and employees of kahit nga empleyado pa sa pribado.

Kung lalaliman ang usapin. Mas nagandang pag-usapan kung safe ba talaga ang magpaturok ng gluta kung saang-saang lugar.

Dapat magroon ng maayos na guidelines o panuntunan kung sino ang dapat magsagawa nito at kung saang malinis na lugar.

Sana mapagtuunang pansin ito ng kinauukulan sa lalong madaling panahon!