Balong GAME OVER–Timbog ang isang delivery rider matapos marekober sa kanya ang mga pinatuyong dahon ng marijuana ng mga pulis ng MPD-Raxabago Police Station-1 sa Tondo, Maynila.

Rider ng ‘damo’ kalaboso

October 8, 2023 Jonjon Reyes 359 views

TIMBOG sa mga pulis ng Manila Police District (MPD)-Raxabago Police Station 1 ang delivery rider ng pinatuyong dahon ng marijuana (MJ) sa Franco at Pilapil St., Barangay 75, Tondo, Maynila Linggo ng madaling araw.

Nakilala ang suspek sa alyas na Balong, 21, ng Pilapil St., Tondo.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Station Commander, bandang 12:15 ng madaling araw nang maispatan ang isang lalaki na natataranta at kahina-hinala ang kilos habang nakatambay sa nasabing lugar.

Dahil dito, nilapitan ang lalaki sa pangunguna ni Police Captain Aldeen Legaspi, hepe ng Station Investigation Division Management Branch (SIDMB), hanggang sa makapkapan at makitaan ng 2 plastic sachet na puno ng tuyong dahon ng marijuana.

Iniutos ni Mupas sa kanyang mga tauhan ang pagpapaigting sa kampanya laban sa iligal na droga at sugal sa kanilang area of Responsibility sa Tondo, Manila.

AUTHOR PROFILE