posas

Nagsiga-sigaan tiklop sa parak; boga isinuko

May 7, 2024 Edd Reyes 39 views

TIKLOP sa mga pulis ang lalaking nagwala at nanindak sa mga residente ng isang barangay habang arnado ng baril noong Lunes sa Pasay City.

Kinailangan ding bumunot ng baril ng mga pulis bilang paghahanda kung lalaban ang suspek na si alyas Non matapos abutan na naghahamon ng away habang nagwawasiwas ng baril sa Aurora Blvd., Brgy. 184, Maricaban, Pasay dakong alas-11:30 ng gabi.

Kusa siyang sumuko at ibinigay sa pulis ang dalang .9mm pistol na may pitong bala.

Tumanggi ng idetalye ng suspek sa mga imbestigador ang dahilan ng kanyang pagwawala pero nagpahiwatig na personal na problema ang kanyang kinakaharap.

Gayunman, kakalkalin pa rin ng pulisya kung may iba pang kasong nakabinbin ang suspek habang isasailalim din sa ballistic examination ang nakumpiska sa kanyang baril para alamin kung nagamit ito sa iba pang krimen.

AUTHOR PROFILE