Sunog FIRE, FIRE GO AWAY–Inaapula ng mga fire volunteers ang sunog na tumupok sa mga kabahayan sa San Andres St. corner Benitez sa Malate, Manila noong Martes. Kuha ni Jon Jon Reyes

Sunog sa Binondo tumagal ng 12 oras

May 7, 2024 Jonjon Reyes 63 views

AABOT sa humigit-kumulang P15 milyon ang pinsala ng 12 oras na sunog na lumamon sa warehouse sa Binondo, Maynila noong Martes.

Sa imbestigasyon ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimulang umusok sa storage ng building sa Ritz Royale Tower sa 8th floor ng 20-storey building sa 635 Camba St., Binondo.

Nagsimula ang sunog alas-9:33 ng gabi noong Lunes ng gabi at umaapoy pa alas-9:26 ng umaga ng Martes. Umabot sa ikatlong alarma ang sunog.

Tatlong indibidwal din ang iniulat na sugatan sa naganap na sunog.

Pag-aari ng MC Gold Prime Ventures Inc. ang gusali na nasunog, ayon sa BFP.

Hindi pinangalanan ang Chinese national na occupant ng nasunog na bodega.

Samantala, sumiklab din ang sunog sa San Andres, Malate, Maynila kung saan mga light materials na kabahayan ang tinupok ng apoy.

Nasa ikalawang alarma na ang sunog na kasalukuyan pang inaapula ng mga bumbero.

AUTHOR PROFILE