Claudine

Barretto matriarch muntik ma-ICU nang malooban ang bahay sa Subic

May 7, 2024 Vinia Vivar 114 views

Nilooban ang bahay nina Claudine Barretto sa Subic, Zambales na naglagay sa kanyang 88-year-old mom sa panganib.

Ikinuwento ng aktres ang nangyari sa mediacon ng kanyang upcoming film na Sinag last Monday.

“Last week, we were in Subic for how many days because nilooban ‘yung bahay namin at ‘yung bahay mommy at daddy ko at ‘yung bahay ng kuya ko, magkatabi ‘yun, eh,” aniya.

Ni-ransack ang dalawang bahay na ipinaayos pa raw ng ate niyang si Gretchen at ginastusan nang malaki.

“Lahat ‘yun, pinaayos ni Gretchen. Lahat, bago, pina-landscape niya lahat ‘yun, milyun-milyon, with the best TVs, bagong aircon, lahat-lahat. And in four days, with the audacity and the nerve ng mga magnanakaw, nabalikan ‘yun at nagkahabulan sila ng mga pulis. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nila makita,” kwento ng aktres.

Dahil sa pangyayari ay tumaas ang blood pressure ng kanyang mommy kaya isinugod nila sa hospital.

“This sent my mom almost to the ICU. Kung hindi nakita ni Noah (kasama sa bahay), nag-hotel kasi kami, eh. Kung hindi nakita ni Noah na ‘yung mommy ko, nakaganu’n (nakalungayngay), malamang wala na ‘yung mommy ko.

“We had to rush her to the ER of Subic and I’m really thankful sa Baypoint Hospital because napakabilis nilang inasikaso ‘yung mom ko. ‘Yung BP (blood pressure) niya was 210 over… hindi ko na alam, hindi ko na rin alam kung anong mangyayari,” aniya.

Bago ito ay nagkaroon daw ng aksidente ang kanyang ina at nahulog sa escalator ng isang mall sa Taguig.

Hindi pa nga raw ito gaanong nakaka-recover sa nangyari ay heto’t may panibagong pangyayari na naman.

Kaya sa ngayon ay nagpo-focus muna siya sa pag-aalaga sa kanyang ina.

Samantala, tinanggap ni Claudine ang pelikulang Sinag dahil sobrang nagustuhan niya ang script. May pagka-fantasy ang movie kung saan ay gaganap siyang isang diwata.

Magsisimula na ang shooting sa May 28 na ididirehe ni Elaine Crisostomo.

Sey ni Direk Elaine about the film, “It will be women empowerment, LGBTQ equality, meron tayong PWD awareness, so halos lahat ng awareness, bullying, meron din po tayo, so all in one po ang pelikula.”

AUTHOR PROFILE