Yda Larawan mula sa IG/Yda Manzano

‘Eat my dirty ice cream’

May 7, 2024 People's Tonight 94 views

GAME sa dilaan ng “ice cream” ang ’90s action-star beauty na si Yda Manzano.

Sa kanyang Instagram page, pinatunayan ni Yda na kayang-kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mga bagong henerasyon ng sexy stars.

Ibinida niya sa ibinahaging larawan ang kanyang pagiging ‘hot momma.’ Todo-awra si Yda habang nakatayo katabi ang isang dirty ice cream cart suot ang makulay na two-piece bikini.

Natigil man sa pag-arte ang aktres dahil nagkaroon ng pamilya, hindi natigil ang mga barakong pagpantasyahan ang mga ‘MILF’ na tulad ni Yda.

Tampok si Yda sa newest Vivamax original film na ‘Dirty Ice Cream’ sa direksyon ni Mervyn Brondial. Nakipagsabayan siya sa mga young stars na tulad nina Jem Milton, Christy Imperial, at Candy Veloso.

Nakilala si Yda sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Bukang Bibig, La Querida, Suki, Sex Hub, May Sayad, 1st Time, Mamasan, at Halo-halo X.

Samantala, pinusuan at inulan ng reaksyon mula sa netizens ang nasabing larawan ng aktres.

Ayon sa ilang mga komento: “Solido ka talaga mommy may asim pa”, “Certified MILF”, “I want spicy ice cream”, at “Walang kupas ang ganda at sexy.”

AUTHOR PROFILE