Default Thumbnail

4 huli sa parcel na may Ecstasy

May 7, 2024 Jun I. Legaspi 57 views

APAT katao ang inaresto makaraang makumpiskahan ng hinihinalang Ecstasy sa isang operasyon sa Domestic Road sa Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina Robert Trebi Simon, 32, ng Cabanatuan City, Nueva Ecija; Mark Bryan Gamba, 43, ng Tondo Manila; Fabio Dalvanos, 36, ng Paranaque City; at Sheryl Gamba, 46.

Inaresto ang apat makaraang makita sa parcel ang ilang tabletas ng hinihinalang Ecstasy sa isinagawang interdiction operation sa Central Mail Exchange Center ng mga tauhan ng NAIA-Anti Illegal Drugs Task Group.

Ang parcel ay idineklarang “dog food, kitten food” na galing Jinsesingal, 50C SW Rotterdam, The Netherlands at naka-consign sa R. Trebie Simon ng 530 Brgy. Bagong Sikat, Purok 7, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Agad namang inaresto ang apat na tumanggap ng parcel.

Inihahanda na rin ng mga awtoridad ang kasong isasampa laban sa mga inaresto.

AUTHOR PROFILE