Posas

Lalaking may patalim, naghasik ng lagim

October 8, 2023 Jonjon Reyes 236 views

ARESTADO sa mga pulis ng Special Mayor’s Reaction Team (SMART) ng Manila Police District ang isang 19-anyos na parking boy na naghahamon ng away habang may bitbit na patalim sa Quezon Boulevard, Sampaloc, Maynila noong Sabado.

Dinisarmahan ng mga tauhan ni Police Major Rommel Reyes Purisima, hepe ng SMaRT, ang suspek na si Paul Henry Garcia, ng Quezon Boulevard, Barangay 464, Sampaloc, Maynila.

Sa report ni Police Executive Master Sergeant Dedimo Alviar, team lider ng SMaRT, bandang 11:10 ng umaga nang mamataan ang binata na armado ng patalim at hinahamon ng away ang mga tao sa paligid.

Nang lapitan ng mga operatiba sa direktiba ni Police Lieutenant Celso Sorita Jr., hindi na pumalag ang suspek nang posasan at disarmahan.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Ordinance 844 (Breach of Peace) at BP 6 (Illegal Possession of Deadly Weapon) in relation to Omnibus Election Code ang naaresto.

Habang nasa opisina ng SMaRT, napag alaman na sangkot ang inaresto sa sunod-sunod na robbery at snatching sa pedestrian lane sa P. Campa sa panulukan ng Anda Lucia St. sa Sampaloc, Maynila.

AUTHOR PROFILE