Khonghun

Kahalagahan na sang-ayon sa prinsipyo ni PBBM itatayong alyansa para sa 2025 iginiit

May 7, 2024 People's Tonight 91 views

SA paghahanda ng mga partido politikal para sa 2025 midterm elections, iginiit ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun na dapat ay sang-ayon sa prinsipyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga sasama sa koalisyon ng administrasyon.

“We have to call a spade a spade,” ani Khonghun, chairman ng House Committee on Bases Conversion, sa isang press conference sa Kamara de Representantes kung sana ito natanong kaugnay ng pagsasanib-puwersa ng iba’t ibang partido.

Sinabi ni Khonghun na bagamat sinabi ng pangulo ng Partido Demokratikong Pilipino (PDP) na si Palawan 2nd District Rep. Pepito Alvarez na suportado ng kanilang partido si Pangulong Marcos ay bumabatikos naman ang ilang miyembro nito kabilang si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Nakikita naman natin ngayon na karamihan ng oposisyon, nagmumukhang ang mukha ng oposisyon ngayon ay ang PDP dahil karamihan ng bumabatikos at nagsasalita ng hindi maganda patungkol sa administrasyon ay mga miyembro ng PDP,” sabi ni Khonghun.

“Nagpapasalamat nga ako sa kanilang presidente, ang kaibigan natin, si Cong. Pepito Alvarez dahil patuloy siyang sumusuporta sa ating Pangulo. Ngunit alam natin na karamihan o iilan sa mga miyembro ng PDP ay talagang maanghang ang mga salitang binibitawan laban kay Pangulong Marcos,” dagdag pa ng kongresista.

Iginiit ni Khonghun ang kahalagahan na magkaisa at tumugon sa panawagan ni Pangulong Marcos na pagandahin ang kalagayan ng buhay ng mga Pilipino.

“Syempre kailangan natin sa mga ganitong klaseng koalisyon, meron tayong alignment lalong-lalo na sa prinsipyo at kung saan natin dadalhin ‘yung bansa,” sabi pa nito Khonghun.

“Ako bilang miyembro ng Lakas, talagang wine-welcome namin ‘yung mga partido, ‘yung mga samahan na talagang sumusuporta. May sinseridad na sumusuporta sa mga adhikain at prinsipyo ng ating administrasyon,” dagdag pa ni Khonghun.

Binigyan-diin naman ni Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Miguel Almario, ang kahalagahan ng pagkakaisa ng iba’t ibang partido para itaguyod ang kapakanan ng bansa.

“So, when we talk about the alliance of political parties let us also try to think na what does it spells for the country moving forward,” ani Almario.

“This also means na whatever the directive that the President maybe, we will also have a unified decision on how best to cater, to form any kind of priority legislation,” dagdag pa nito.

Sina Khonghun at Almario ay kapwa miyembro ng Lakas-CMD na papasok sa isang alyansa sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinamumunuan ni Pangulong Marcos.

AUTHOR PROFILE