Default Thumbnail

Rider muntik mapisak, 8 sasakyan nagkarambola

February 15, 2024 Melnie Ragasa-limena 96 views

SUGATAN ang rider ng motorsiklo sa karambola ng walong sasakyan sa Quezon City noong Miyerkules.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5, Bandang alas-10:04 ng umaga nang maganap ang aksidente sa Batasan-San Mateo Road, sa kanto ng North-view-1 Road at Filinvest-2 Road, Brgy. Batasan Hills.

Batay sa imbestigasyon, lulan ng Isuzu Giga Tractor Head (NEG6648 na dala ng driver na si Bensil Tidon Eduarte, 38.

Dahil sa mabigat na kargada ng mga delivery cargo, nawalan ng preno ang trak at sumalpok sa Toyota Innova (NHI1588) na minamaneho ni Rhonel Ledesma Zabal, 56, kaya nabangga din nito ang Yamaha NMax Motorcycle (500UAN) ni Sarvin Narsico Saratublas, 31, ng Brgy. 176, Caloocan City.

Kabilang sa mga nadamay sa karambola ang Yamaha Nmax Motorcycle (754QTJ) ‘di nakuha ang pangalan ng rider; Toyota LiteAce Pick-up/2023 (NHC3238) na minamaneho ni Germiniano Broncano Reyes Jr., 43; Mazda New Mazda Sedan (ZTK291) na minamaneho ni Marco Christian Reclusado Leano, 44; Honda Motorcycle/2023 (247-QVU) na minamaneho ni Jeson Naing Orbina, 38, at Mitsubishi L300 (UQS435) na minamaneho ni Allan Original Danao, 60.

Bukod kay Saratubias, wala nang iba pang nasugatan sa aksidente.

Inihahanda na ang kasong Reckless Imprudence Resulting In Damage To Property with Physical Injury laban sa truck driver.