Fire LABAN SA SUNOG–Inaapula ng mga kagawad ng BFP-NCR katulong ang mga residente ang sunog na naganap sa 4070 Fugoso St., Sta. Cruz, Maynila na umabot sa ikatlong alarma bago napatay. Kuha ni Jon Jon Reyes

7 sugatan sa sunog sa Sta. Cruz

February 15, 2024 Jonjon Reyes 179 views

PITO ang nasugatan sa sunog na lumamon sa mga bahay sa Sta. Cruz, Maynila noong Huwebes, ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR).

Nagsimula ang sunog mula sa 2nd floor ng mga barung-barong sa 4070 Fugoso St., Sta. Cruz, Maynila na pag-aari ng isang Eliseo Apalacio.

Kinilala ang mga sugatan na sina Bejay Aballa, 21; Renzo Aballa, 15; Ben Ben Garcia, 14; at Nash Opena, 20.

Nilapatan din ng paunang lunas sina Jingoy Kayo, 28; Maybel Salcedo, 30, habang inasikaso ng Philippine Red Cross si Urmenia Opena, 22, nang mahirapang huminga.

Pasado alas-11:26 nang ideklara ang unang alarma pero dahil sa gawa sa mga light materials ang mga bahay mabilis na kumalat ang apoy kaya inakyat sa ikatlong alarma makalipas lang ng ilang minuto.

Tinatayang aabot na sa humigit-kumulang P50,000 ang halaga ng mga natupok ng apoy. Nasa 100 pamilya ang nakatira sa nasabing lugar.

Idineklarang fire out ang sunog bandang alas-12:40 ng tanghali.

AUTHOR PROFILE