MDJ2

Ricky Lee, masaya sa kinalabasan ng ‘May-December-January’

October 6, 2022 Ian F. Fariñas 607 views

MASAYANG-MASAYA ang National Artist at premyadong scriptwriter na si Ricky Lee sa kinalabasan ng pinakabago niyang obra, ang May-December-January, na idinirek ni Mac Alejandre para sa Viva Films.

Pinagbibidahan nina Andrea del Rosario, Gold Aceron at Kych Minemoto, istorya ito ng mag-inang magmamahal ng iisang lalaki.

Ani Ricky sa media conference ng May-December-January, lagi silang nag-uusap ni Direk Mac mula simula hanggang matapos ang pelikula.

“Every step nakakapag-collaborate kami, ako bilang writer at siya bilang direktor. So, walang surprises sa akin dahil nakikita ko lahat ng ginagawa niya. And he respects me so much na, I think, hanggang even sa trailer, nagku-consult si Mac sa akin. So alam ko lahat and kabisado ko na si Mac dahil sa tagal ng pagsasama namin, I can second guess what he wants, what he needs and I think the same way, nase-second guess niya ako. So that made it really easy,” panigurado ng beteranong manunulat.

Nang mapanood nga raw niya ang May-December-January, natuwa siya dahil nasunod ang vision niya sa istorya.

“Simpleng pelikula tungkol sa mga ordinaryong tao na kagaya natin nakikita natin sa palibot, nanay, anak, bestfriend. Hindi siya mga sobrang colorful na characters na holdaper or prostitute or assassin. Ordinaryong tao lang na pang-araw-araw na nakararanas ng mga emosyon. And ‘yun ‘yung lumabas sa pelkula. Ordinaryo silang mga tao and yet extraordinary ‘yung kanilang emotions at ang kanilang ginawa. So I was very happy. I was happy with Andrea. Hindi ko alam kung napanood ko ‘yung Lupe, so kung tutuusin parang first time ko siyang napanood ngayon. But I was surprised. Sabi ko kay Mac, parang kuhang-kuha niya ‘yung character, kung ano ‘yung character, ‘yung lalim ng cahracter, kuhang-kuha niya. I was very happy with Gold Aceron, na napanood ko na before sa, I think, Metamorphosis and kinongratuleyt ko pa ‘yung manager niya. Si Kych, ngayon ko lang napanood and again I was surprised na okay siya. Mahusay siya. So, ayun, I was happy all in all,” pagtatapos ni Ricky.

Mapapanood na ang May-December-January sa mga sinehan nationwide simula October 12.

AUTHOR PROFILE