Angelica

Angelica kasal na lang ang kulang

October 6, 2022 Aster Amoyo 414 views

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maipaliwanag ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang pakiramdam ng isang brand new mom matapos niyang isilang last September 20, 2022 ang kanilang first baby ng kanyang partner, ang Subic-based Australian businessman na si Gregg Homan.

Parehong hands-on parents sina Angelica at Gregg kay Baby Bean (Amila). The brand new parents take turns in changing the baby’s diapers, pagpapa-burp at pagpapatulog.

Magiging mas meaningful kay Angelica ang kanyang nalalapit na kaarawan on November 4 dahil natupad na rin ang isa sa kanyang mga pangarap, ang maging isang ina.

The 35-year-old brand new mom has had a string of relationships in the past with actors Carlo Aquino, Derek Ramsay and John Lloyd Cruz.

Samantala, ngayong may baby na sina Angelica at Gregg, marami naman ang nagtatanong kung kelan ang plano ng dalawa na magpakasal.

Dominique

Mga bagay na mas mahalaga kay Dominique

IT was in October 2021 nang ibahagi ni Dominique Cojuangco, ang kaisa-isang anak ng longtime partners na sina Gretchen Barretto at business tycoon na si Tonyboy Cojuangco ang kanyang engagement sa kanyang boyfriend of four years, her schoolmate and business partner na si Michael Hearn pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nagsi-share ng detalye ng kanilang kasal.

May date at location na at nakipag-usap na rin sila sa iba’t ibang suppliers pero ayaw pa nila itong isapubliko.

Very proud ang dating actress-host na si Gretchen sa kanyang unica hija dahil sa pagiging independent nito sa maraming bagay.

Si Dominique ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Fashion Design sa Istituto Marangoni in London nung 2017 and also took-up an associate degree in Merchandising and Maketing at the Fashion Institute of Design and Merchandising in San Francisco, California, USA.

Malaki ang naitulong kay Dominique ang pagta-trabaho niya bilang global digital marketing intern sa Benefit Cosmetics Company para makapagtayo ng kanyang sariling brand of cosmetics, ang The Collective which she co-owns with her fiancé na si Michael Hearn.

Ang The Collective products are now considered as international brand.

Bukod sa The Collective brand of cosmetics, ang fiancé ni Dominique na si Michael ay may-ari rin ng sariling cocktail bar, ang Run Rabbit Run in Poblacion kung saan naganap ang kanilang engagement nung isang taon.

Samantala, sinabi ni Dominique na it’s not about the wedding that she is excited about kundi about marriage.

“My parents are not even married,” pahayag pa niya.

Doug

Doug at Cheska umasa pa ng isang anak

FORMER basketball player Doug Kramer and wife, actress Cheska Garcia-Kramer will be celebrating their 14th wedding anniversary this Saturday, October 8.

The popular celebrity couple has three beautiful children na sina Kendra, Scarlett at Gavin who are now back on face-to-face schooling.

Hindi ikinakaila ng couple na gusto pa nilang magkaroon ng pang-apat na anak and they both tried the IVF procedure pero apat na beses na itong nag-fail kaya umaasa na lamang sila sa magiging kaloob sa kanila ng Diyos.

Ang room ngayon ni Gavin, their youngest and only son was intended for their fourth baby pero since hindi ito natuloy ay ibinigay na lamang nila ang kuwarto kay Gavin.

Piolo1

Piolo masaya bilang single dad

IN three months’ time ay 46 years old na ang Kapamilya heartthrob, ang singer-actor at entrepreneur na si Piolo Pascual.

Although inamin nito in his past interviews na gusto rin niyang magkaroon ng sarili niyang pamilya, he is not in a hurry to do this dahil bukod sa patuloy niyang ini-enjoy ang kanyang buhay ngayon, marami siyang pinagkakaabalahan at kasama na rito ang kanyang pagiging producer sa ilalim ng Spring Films.

Masaya rin siya bilang ama dahil gumagawa ng sariling pangalan both locally and internationally ang kanyang kaisa-isang anak na si Inigo Pascual who debuted in Hollywood this year sa pamamagitan ng international series na “Monarch”.

In 2016, Inigo came up with his own hit single na “Dahil Sa `Yo” na naging malaking hit nationwide.

Umaasa si Piolo na magtututluy-tuloy ang paggawa ng mga projects sa Hollywood ni Inigo after “Monarch” na siya ring pangarap ng kanyang unico hijo.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE