Yassi

Resbak ni Yassi sa bashers: Kung maka-judge!

March 20, 2023 Ian F. Fariñas 256 views

TILA sagot sa bashers ang recent Instagram post ni Yassi Pressman tungkol sa mga taong mabilis mang-judge.

Sa naturang post, to the rescue sa kapatid na si Issa ang aktres na nagsabing, “smiling cause you don’t know anything about our personal relationships.

“kung maka-judge!! ang i-judge nyo nalang ay si Kuring at si Daphne mamaya nang 6PM sa #KURDAPYA — at ayan, siguradong mas laughtrip pa!!

“sabi nga ni Kuring ‘peezawt mga tropapeepz peezawt.”

Ang Kurdapya ang bagong twintastic comedy serye ni Yassi na produced ng Viva Entertainment sa TV5 at nag-pilot nitong Sabado, March 18.

Mabilis din niyang sinabi na ili-limit niya ang comments section ‘pag may hurtful words na ibinato sa kanya ang netizens.

“I only welcome positivity, love & kindness here. peezawt!” giit pa ni Yassi.

AUTHOR PROFILE