Libro

LT, CERTIFIED ‘VATICAN ACTRESS’

March 20, 2023 Ian F. Fariñas 324 views

VATICAN Actress.”

‘Yan ang naging running joke at titulo ni Lorna Tolentino sa set ng Viva Films 1st Summer Metro Manila Film Festival entry na Yung Libro sa Napanood Ko.

Sa katatapos na mediacon, ikinuwento ng co-star at director niyang si Bela Padilla na ‘yun ang naging pakilala kay LT ng isang staff sa partner niyang Korean actor na si Yoo Min-Gon.

“Ang ibig niyang sabihin, ‘batikang artista.’ Ang nasabi niya, ‘the Vatican actress.’ So, she is now our ‘Vatican actress,’ hahaha! Amen!” tsika ni Bela.

Matagal na pala niyang idolo si Lorna at pinapangarap na makatrabaho sa pelikula.

Mas lalong bumilib si Bela sa husay umarte ng senior actress dahil niya, “pinadali niya ng buhay ko (sa set).”

Ina ni Bela ang papel ni LT sa movie na nagtrabaho sa Korea bilang tagapangalaga ni Yoo Min-Gon.

Ang nasabing fairy tale love drama ay magsisimulang mapanood sa mga sinehan sa April 8.

AUTHOR PROFILE