Freeze

HOSTING CAREER NI ‘MR. FREEZE,’ SUPORTADO NINA DEREK, AGA, ALBERT AT ISABELLE

March 20, 2023 Ian F. Fariñas 147 views

SUPORTADO ng close showbiz friends niya ang pagiging TV host ng negosyanteng si Gerry “Mr. Freeze” Santos ng Negosyo Goals ng AllTV.

Katunayan, nag-offer pa ang ilan kina Derek Ramsay, Aga Muhlach, Albert Martinez at Isabelle Daza na mag-guest nang libre sa isang episode nito.

Ang naturang entrepreneurial show ay napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.

Sa mga hindi nakakaalam, si Gerry ang tumayong best man sa kasal nina Derek at Ellen Adarna. Siya rin ang unang nagbuking ng relasyon ng dalawa sa social media.

Anyway, give and take ang magkakaibigan dahil lagi rin daw nariyan si Gerry para bigyan ang mga artistang kaibigan ng sound financial/business advice.

Binanggit niya na si Derek, kasosyo niya sa isang planta ng Mr. Freeze sa Bulacan.

Aniya, “Matagal din akong umoo kasi ayokong masira ‘yung friendship. After three years, doon ako umoo. Sabi ko, ‘’wag na tayo mag-business together,’ sabi ko, ‘mahirap.’ Pero nu’ng finally tinuloy namin after the wedding, happy naman siya. Si Albert din.”

Produced ng Makers Mind Media Production ni Ivy Ataya, honored si Gerry na maging partner ang AllTV sa pag-empower ng aspiring Pinoy entrepreneurs.

AUTHOR PROFILE