Default Thumbnail

Reclamation sa Manila Bay sisilipin ng ACT-CIS

May 7, 2023 People's Tonight 199 views

SISILIPIN ng ACT-CIS partylist ang ongoing reclamation sa Manila Bay matapos makatanggap ng reklamo mula sa ilang mangingisda sa Manila Bay.

Ayon kay ACT-CIS 1st Nominee Rep. Edvic Yap, may reklamo ang ilang mangingisda sa Manila Bay na wala na silang makuhang isda sa lugar.

“Ang pinarating sa amin na sumbong ay nabulabog ang mga isda dahil sa pagtambak ng lupa sa lugar. Kung dati-rati’y diyan lang sila sa nangingisda malapit sa Roxas Boulevard, ngayon kailangan na nilang lumabas at magtungo malapit na sa batangas daw,” ayon kay Cong. Yap.

Tanong tuloy ng mambabatas, “Nakonsulta kaya sila sa project na ito? O inumpisahan na lang ito ng walang dialogue sa mga stakeholders tulad ng mga fiherman dyan at mga maliit na negosyo o kainan along the baywalk”?

“Hindi po kami kontra sa pag-unlad, pero kung ang pag-asenso ng isang lugar ay pag-alis ng hanapbuhay sa isang ordinaryong tao, medyo magtatanong na tayo kung may alternatibo ba para kumita ang mga mawawalan ng kita dyan sa lugar,” paliwanag ni Yap.

Pahabol pa ng kongresista, “May nabasa din ako na post mula sa isang waiter sa restaurant sa tabi ng dagat dyan sa Pasay, na magsasara na ang restoran nila dahil dahil lupa na ang katabi nila at hindi na dagat, na siyang dinadayo daw ng mga customer dahil sa sariwang hangin”.

AUTHOR PROFILE