Default Thumbnail

Holdaper, ‘kasabwat’ na saleslady nilimas P10M alahas sa tindahan

May 7, 2023 Jonjon Reyes 202 views

HALOS umabot sa mahigit P10 milyong halaga ng gintong alahas ang nabawi ng Manila Police District (MPD) mula sa nangholdap ng jewelry store at umano’y kasabwat na saleslady sa Sta.Cruz, Maynila.

Ayon sa MPD-Meisic Police Station 11, nilimas ng suspek ang mga alahas 9:02 a.m. ng Sabado sa Golden Valley Building sa Florentino Torres Street.

Nagkakahalga ng P10.5 million ang iba’t ibang uri ng alahas na narecover mula sa bahay ng suspek na nakilalang si Jeffrel Logronio, nasa hustong edad ng Cavite City.

Kasabwat umano ang saleslady ng mga alahas na nakilalang si Cheril Vandidato , 39, may asawa, residente ng Naic, Cavite.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rexson Layug, station commander, ang may-ari ng tindahan a si Patrick Oraa, 33 , businessman.

AUTHOR PROFILE