Default Thumbnail

Reasonable certainty of conviction

April 15, 2023 Magi Gunigundo 329 views

Magi GunigundoMAINAM na hakbang ang ginawa ni Kalihim ng Katarungan Boying Remulla sa paglalabas ng DOJ Circular 008 Series of 2023 noon Pebrero 10,2023. Inutos ng Kalihim sa lahat ng 2,725 piskal o taga-usig na may hawak ng mga kaso kriminal na nakabinbin ang paglilitis sa mga Municipal Trial Court, Municipal Trial Courts in Cities at Metropolitan Trial Courts, na lisain maigi ang mga kaso upang matukoy kung alin sa mga ito ang may “reasonable certainty of conviction” batay sa ebidensiya, testigo at interes ng nagrereklamo na napinsala ng krimen. At kung wala nito, ang piskal ay inuutusan na maghain ng “motion to withdraw information,” o mosyon upang iatras ang impormasyon sa hukuman.

Kultura na yata ang pagkukuli ng piskal sa preliminary investigation, marahil dahil sa pangamba na baka mabalikan ng nagrereklamo, kaya niya sinasampa ang impormasyon kahit mahina ang kaso. Bahala na ang hukuman na magpawalang sala sa pobreng akusado na haharap sa gastos at pagkagambala ng buhay.

Ang DOJ 008. S.2023 ay mainam na umpisa para mabago ang sistema ng hustiyang kriminal sa bansa.

​Makakatulong ang hakbang na ito ng Kagawaranng Katarungan upang mabawasan ang backlog ng mga hukuman sa una at ikalawang antas.

Noon pang 2013, binanggit na ng Korte Suprema na 80% ng backlog sa una at ikalawang antas na mga korte ay puro mga kasong kriminal at humigit-kumulang 40% ng mga kasong kriminal ay na-didismis lang taun-taon. Hindi naman bumuti ang sitwasyon, lalo pang lumala ito (Panganiban, PDI, Peb 20,2023). Makabawas din ito sa bilang ng mga nasa loob ng piitan na hindi nakapagpiyansa.

Sa Navarro v Cornejo Peb 8,2023, ipinasiya ng Korte Suprema na: 1. ang pag-alam ng probable cause sa panahon ng paunang pagsisiyasat ay likas na trabahong ehekutibo; 2. ang isang paunang pagsisiyasat o preliminary investigation, bagama’t likas na maikli at lagom lamang, ay isang mahalagang salaan sa sistemang hustisyang kriminal na maghihiwalay sa mga nireklamo na daranas ng buwan, kung hindi man ay mga taon ng matinding gastos sa paglilitis at posibleng pagkakakulong, sa isang banda, at kapayapaan ng isip at kalayaan, sa kabilang banda.

Kaya naman ang DOJ Circular 008 s 2023 ay nagpapahiwatig sa mga tagausig na suriin maigi kung may panalo ba ang kaso o suntok sa buwan ito dahil mayroon mapipinsalang walang kasalanan kung padalos dalos sa paghahain ng impormasyon.

​Bagamat Korte Suprema lamang ang makakapag-amyenda ng Rules of Court, ang trabaho ng pag-alam ng “probable cause” sa “preliminary investigation” na nakasaad sa Rule 112 ng Rules of Court ay trabaho ng Kagawaran ng Katarungan na bahagi ng sangay ng ehekutibo ng pamahalaan. Samakatuwid, tinaas ng DOJ Circular 008 S.2023 ang antas ng ebidensiya na dapat hawak ng piskal para magsampa ng impormasyon dahil iaatras din lang naman niya ang mga kaso na walang “reasonable certainty of conviction”. Sa madaling salita, kagalang -galang na G. Piskal, layuan po ninyo ang inyong tanaw at huwag po kayong magsampa ng impormasyon kung hindi nakakalamang na mahahatulan ng hukuman na nagkasala ang akusado.

Ang “probable cause” ay isang estado ng isipan ng taga-usig na batay sa palagay na ang isang taong may karaniwang pag-iingat, ay may tapat na hinala na ang nireklamo ay gumawa ng isang krimen. Ang kahulugan ng “probable cause” ay napakahirap unawain at talagang nagbibigay ito sa mga piskal ng malawak na diskresyon dahil “hindi nito kinokonsidera.

AUTHOR PROFILE