Abroad

Brain drain

April 15, 2023 People's Tonight 273 views

SA Pilipinas, kagaya ng ibang developing countries sa buong mundo, talagang isang napakalaking problema ang tinatawag na “brain drain” o “human capital flight.”

Ang masakit sa “brain drain” ay ibang bansa ang nakikinabang sa mga magagaling na manggagawang pinag-aral at sinanay ng mga kababayan natin.

Kesa tumulong sa socio-economic development ng kanilang mga bansa, ang mga “educated at talented” workers ay nag-aabroad dahil ang hangad ay “better standard of living.”

Ang itinuturong pangunahing dahilan nang patuloy na paglobo ng mga kababayan nating gustong mangibang bansa ay ang “insultingly low pay” ng mga manggagawa sa Pilipinas.

Hindi naman natin masisisi ang ating mga doktor, narses, komadrona, guro at iba pang professionals kung bakit mas gusto nilang magtrabaho sa Estados Unidos, Canada o Canada.

Kaya nga nananawagan si Pangulong Marcos sa iba-ibang Southeast Asian countries na maghanap ng mga paraan para bigyang-solusyon ang problema ng “human capital flight.”

Ginawa ni Marcos ang panawagan sa isang miting sa mga opisyal ng Tamasek Foundation,isang Singapore-based non-profit organization, na pinamumunuan ni Jennie Chua Kheng Yeng.

“But we have to adjust and find ways. We have to give them (health professionals) at least equal opportunities at home,” sinabi ni Marcos sa mga opisyal ng Tamasek Foundation.

Sa Pilipinas, dagdag ni Pangulong Marcos, napakaliwanag na “most Filipino overseas workers are willing to take less in terms of pay so long as they can stay here (with their families).”

Nararapat lamang na Pilipino at ang bansa natin ang makikinabang sa galing at husay ng ating mga manggagawa, partikular na ang mga doktor at narses.

AUTHOR PROFILE