Bea

After Bea, who’s next?

May 7, 2024 Joey Aquino 88 views

BEA Alonzo has filed separate cyber libel cases against Cristy Fermin and Ogie Diaz.

The charges stem from the alleged insults by the two showbiz columnists and online show hosts in their respective columns and online shows. But what allegedly caused Bea’s ire is the accusation that she is not paying correct taxes. Both Fermin and Diaz categorically claim that they have not maliciously maligned her. Particularly, Fermin explains that Bea is a public figure. And her job is to deliver the news about public figures fairly and objectively. Meanwhile, Diaz said that he would address the case in due time.

Hati ang opinion ng mga netizen patungkol sa isyung ito. Laos na raw si Bea kaya papansin na lang, lalo na may upcoming teleserye siya kasama si Carla Abellana, ang “Widows’ War” sa GMA. Sa totoo lang, hindi mo rin masisisi itong si Bea dahil siya ang nakakaalam sa sarili niya kung nababastos o naiinsulto na ang kanyang pagkatao. Yes, she is a celebrity or a public figure; but she is still a human being. Konting respeto lang naman ang hihihingi ng aktres.

Samantala, valid din naman ang claim ni Fermin na tagahatid lang siya nang balita. Totoo naman, trabaho ng isang reporter ang ibalita tungkol sa isang artista o public figure. At ang publiko na ang maghihimay sa balita kung paniniwalaan nila ito o hindi. Hindi na bago ang ganitong kaso sa dalawa. At alam naman nila kung ano ang pinapasukan nila.

Nakaka-relate ako sa kanila dahil ako mismo pinagdaanan ko rin ang masampahan nang libel case. Hindi man ako kasing sikat nina Fermin at Diaz pero may nagalit din na public figure dahil sa aking panulat. Mahabang proseso at malaking abala sa buhay ang ganitong kaso. Buti na lang nanalo ako sa libel case na isinampa laban sa kin. My colleagues in showbiz hardly knew the ordeal I went through.

I’m not in a position to remind Fermin and Diaz for they are more experienced in showbiz than me. Kaya siguro i-share ko na lang ang unsolicited advice ko sa mga ibang showbiz reporter at vlogger maghinay-hinay sa pagsusulat dahil tao pa rin ang mga artista o public figure na ating ibinabalita. Let’s uphold accountability in our journalistic pursuits. As one veteran journalist once said, being a journalist is not a license to be rude.

Balik tayo sa isyu. Bukod kina Fermin at Diaz, sinama rin ni Bea sa mga separate libel case ang mga co-host ng dalawa sa kani-kanilang online shows at isa pang basher na diumano’y close kay Bea. Sa ngayon, ilan sa mga artistang nagpahayag na nang suporta sa aktres ay sina Liza Soberano at Claudine Barretto.

Meanwhile, netizens allegedly accuse Fermin of attacking Vice Ganda. But the unkabogable star just laughs it off with her “bwak-bwak-bwak” response. Now that Bea has initiated filing of criminal case for cyber libel, will Vice charge Fermin with cyber libel as well? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolumn na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon.

Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0966-883-2430 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE