Default Thumbnail

SK chair, backride sumalpok, tigok

May 7, 2024 Christian D. Supnad 50 views

CURRIMAO, Ilocos Norte–Isang Sanggunian Kabataan chairman at kanyang driver ang namatay noong Lunes matapos sumalpok sa poste ang sinasakyang motor sa Bimmanga, Currimao, Ilocos Norte.

Ayon sa report ng pulis, nakasakay ang mga biktima na sina Aeron Paul Taesa Pataray, 25, ang driver ng Wave 110 (5797 AR), at backride na si Jeric Allen Garcia Pataray, 23, SK chairman, nang bumangga sila sa electric post.

Patungong katimugan ang motor ng dalawang biktima ng mangyari ang aksidente.

Pagdating nila sa sharp curve sa Brgy. Bimmanga, doon nawalan ng control ang driver sa handlebar kaya sumalpok sa poste.

Dinala sila sa ospital sa Batac City, Ilocos Norte at doon idineklara silang dead-on-arrival ng attending physician.