Julver

Rayver at Janine, patas na sa pag-ibig

May 18, 2022 Jun Nardo 104 views

INSPIRASYON sa araw-araw ni Rayver Cruz ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose. Ito ang mensahe ni Rayver kay Julie Anne sa nakaraan niyang kaarawan.

Kung nakatagpo na si Janine Gutierrez, ex GF ni Rayver, ng bagong pag-ibig kay Paulo Avelino, patas lang sila ni Rayver na tila pumapag-ibig na rin kay Julie Anne, huh!

Wala pang kumpirmasyon mula kina Rayver at Julie Anne kung may relasyon na silang dalawa. Eh, swak na swak naman sa fans ang dalawa, kaya G na kayo!

PINAGSAMA-SAMA

PINAGSAMA-SAMA ng Amore Entertainment ang mga bigating OPM singer ng bansa sa Four Kings and A Queen na lilibot sa iba’t ibang lugar sa Amerika.

Manghaharana at magpapasaya ang royalties na sina Hajji Alejandro, Nonoy Zuñiga, Rey Valera, Marco Sison at Pops Fernandez sa concert.

Sa June 25 ang kick off nito sa Graton Casino sa Northern California kasunod ang June 26 staging sa Saban Theater, Beverly Hills, CA.

Ang iba pang lugar na pagtatanghalan ng mga music royalty ay sa Las Vegas, Chicago, Atlantic City at magtatapos sa Honolulu, Hawaii.

Presenters ang Philippine Airlines at The Law Office of Atty. John Ye. Nangangako ang Amore Entertainment ni Pia Legaspi na isang quality entertainment sa Four Kings And A Queen na halos sold out na ang tickets.

AUTHOR PROFILE