Heart

Heart, ’di na pinangalanan ang mga naka- ‘ONS’

May 18, 2022 Vinia Vivar 390 views

Sa kanyang latest YouTube vlog ay buong ningning na inamin ni Heart Evangelista na may mga naka-one-night stand siya noon.

Titled Team Heart Goes to Balesin, naglaro si Heart at ang kanyang mga staff ng “Sagot o Lagot Challenge.”

Isa sa mga tanong ay kung never ba siyang nagkaroon ng one-night stand.

“I guess it was considered a one-night stand,” pag-amin ni Heart. “Naging kami eventually.”

Dagdag pa niya, “Lahat ng nakaka-one-night stand ko, nagiging kami.”

Siyempre, hindi na pinangalanan ni Heart ang mga naka-one-night stand niya, pero obviously, ex-boyfriends niya ang mga ito.

Well, we must say na talagang in-enjoy ni Heart nang bongga ang kanyang pagkadalaga.

Ian

MAS TUMATAG ANG RELASYON

Mas tumatag ang partnership nina Ogie Alcasid at Ian Veneracion dahil ngayon ay hindi na lang sila magkaibigan kundi magkatrabaho pa bilang talent at manager.

Ang ATeam (Alcasid Total Entertainment and Artist Management) na ni Ogie ang nagma-manage ng acting and singing career ni Ian.

Nagpa-presscon si Ogie recently na dinaluhan din ng kanyang ibang talents.

Tuwang-tuwa si Ian na makitang muli ang entertainment press dahil two years nang walang face-to-face presscons at aminado siyang na-miss niya ang tsikahan sa press.

Ayon kay Ian, isa si Ogie sa mga unang sumuporta sa kanya nang pasukin niya ang larangan ng pagkanta.

Matatandaang nag-produce pa si Ogie ng concert para sa kanya noong 2019, ang Ian: In Colors at nasundan pa ng dalawang Kilabotitos concerts na pinagsamahan ng dalawa nu’ng 2020 at 2021.

Sey ni Ian, he really appreciates the fact na talagang sinusuportahan siya ng singer sa mga concept at idea niya kahit bago pa lang siya sa music industry.

Maraming plano sina Ian at Ogie at isa nga rito ay ang concert tour ng Kilabotitos sa iba’t ibang bansa.

Sey ni Ian, iba talaga ang fulfillment ’pag nagku-concert ka para sa mga kababayan natin sa ibang bansa.

Ang pag-arte naman daw ay never niyang isasantabi. In fact, katatapos lang niya ng Netflix action series na A Love To Kill.

AUTHOR PROFILE