Kulong

Rape suspek sumuko sa Zambo del Sur

April 25, 2024 Alfred P. Dalizon 64 views

SUMUKO sa mga pulis ang isang lalaking matagal ng wanted sa statutory rape sa Zamboanga del Sur noong Linggo dahil hindi na matagalan ang hirap ng isang nagtatago sa batas.

Nakumbinsi ang suspek, 20, at residente ng Purok Agoho, Brgy. Baclay, Tukuran, Zamboanga del Sur, ng mga miyembro ng Tukuran police na harapin ang kasong isinampa sa kanya sa hukuman kaya lumutang sa presinto.

Ayon kay Major Simplicio Pasaol Jr., hepe ng pulisya ng Tukuran, sumuko ang akusado matapos ang ilang linggong pakikipag-usap sa mga taong sugo ng mga otoridad.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek na nakakulong na ngayon sa Tukuran police jail.

AUTHOR PROFILE