Dee

Michelle namarkahan ni Whang Od

May 4, 2024 Vinia Vivar 53 views

Isa na rin si Michelle Dee sa mga nasa listahan ng celebrities na nakapagpa-tattoo na kay Apo Whang Od.

Ibinahagi ng Miss Universe Philippines 2023 recently ang video habang nilalagyan siya ng tattoo ng sikat na mambabatok ng Kalinga.

“Finally,” ani Michelle.

Obviously ay masayang-masaya ang beauty queen na bago matapos ang kanyang reign bilang Miss Universe Philippines ay nakapagpa-tattoo na siya kay Apo Whang Od.

“Grateful for my team @wearepersonifi for making this trip with me. What an amazing way to start the month of May and my final days as your reigning queen. (more to come),” aniya.

Matatandaan na binigyan ng tribute ni Michelle ang tinaguriang “the oldest traditional tattoo artist in the Philippines” sa kanyang Miss Universe 2023 stint nang isuot niya sa evening gown competition ang gown na inspired kay Whang Od at designed by Mark Bumgarner.

Inulan ng positive comments ang post ni Michelle at isa nga sa mga nag-react ay si Jericho Rosales.

“Yeeeeeaaahhhhsssss!!” komento ni Echo.

Narito pa ang ilang komentong nabasa namin:

“Ito iyong napakagandang Beauty Queen na hindi maarteng pumunta sa Buscalan kahit ang layo ng linakaran.”

“When two empowered women collides!!! ??”

“So happy for youuuuuu!!!”

“Historical Moment Indeed.”

AUTHOR PROFILE