Lapid

Lapid emosyonal dahil di nakatapos ng kolehiyo

April 24, 2024 People's Tonight 91 views

Naglaan ng P180M sa construction ng TSU lab building

PINANGUNAHAN ni Senator Lito Lapid ang groundbreaking ceremony sa 6-storey simulation building ng College of Science sa Tarlac State University, nitong Lunes, April 22, 2024.

Sa kanyang inisiyatiba, naglaan si Sen. Lapid ng P180 million para sa ipatatayong gusali at mga kagamitan sa loob ng TSU campus sa Tarlac City. Nag-ambag naman ng P25 million si Senator Win Gatchalian sa nasabing proyekto.

Hinikayat ni Lapid ang mga kabataang mag-aaral sa Tarlac State University na huwag sayangin a mong panahon para matuto at mag-aral ng mabuti dahil libre naman ito.

“Alam nyo po, napakahalaga ng edukasyon sa akin, magkukwento lang po ako ng konti dahil ang pang-aapi nila kay Lito Lapid ay dahil sa edukasyon, dahil hindi po ako nakatapos. Kung meron lang pong libreng kolehiyo, gaya ng TSU, DAVSU sa Apalit at Pampanga State University sa Magalang, lalong-lalo na kung may TESDA noong araw, siguro nakapag-aral po ako. Wala tayong magagawa, ipinanganak tayong mahirap, isang labandera lang ang nanay ko at namatay ang tatay ko sa edad ko na 2 taon pa lamang, kaya hindi ako nakapag-aral ng kolehiyo. Kaya sabi ko nga sa mga estudyante pag may nakakausap ako pasalamatan ninyo ang inyong mga magulang dahil pinag-aaral kayo,” emosyonal na pahayag ni Lapid.

“Napakahalaga po ng pag-aaral. Ang apo ko po ay nag-aaral ng nursing. Palagi ko syang kausap at pinapayuhan na mag-aral ng mabuti. Napakahalaga po ng edukasyon kaya palakpakan po natin ang ating mga magulang dahil pinaaaral kayo,” dagdag pa ng Senador.

Abot-abot naman ang pasalamat kay Lapid ng pamunuan at ng mga estudyante ng Tarlac State University sa malaking ambag at adnokasiya nito sa edukasyon.

AUTHOR PROFILE