Runningman

‘It’s Showtime’ guesting surreal para sa grupo ng ‘Running Man PH 2’

May 5, 2024 Ian F. Fariñas 83 views

SURREAL pa rin para sa grupo ng Running Man Philippines Season 2 ang guesting na ginawa para mag-promote sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime nitong Sabado.

Ito ay kahit umeere na ang programang pinangungunahan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, atbp. sa Kapuso network.

Kwento ni Glaiza de Castro sa katatapos na mediacon, “Parang nagkita kami uli and we’re promoting Running Man. Tapos parang nakita din nila na parang ang saya lang din and then we are thankful na we were able to promote our show there. Kasi naka-GMA jackets kami, ito ‘yung suot namin kanina, eh. So, parang ang surreal din mapanood na may mga taong naka-GMA du’n sa isang ABS na parang kinagisnan nila na show, ‘di ba? Ayun nga, parang ang daming possibilities na pwedeng mangyari like kung magkakaroon ng Season 3, why not, ‘di ba? Crossover is not impossible na sa ngayon, ‘di ba? And katulad ng sinabi ko rin kanina, ganun din naman po ‘yung ginagawa rin namin outside soap operas kapag nagkikita kami sa mga gatherings o sa mga parties or sa mga celebrations or sa mga ibang pelikula, nagkikita’t nagkikita pa rin naman kami. And it’s also nice to know that they are watching our show, that they’re also interested na makapag-guest din dito and same din sa amin. So, parang ang saya lang na ang daming posibilidad sa ngayon.”

Sa May 11 at 12 nga’y balik-ere na ang ikalawang season ng globally successful a reality game show sa GMA, 7:15 p.m. (Saturdays) at 7:50 p.m. (Sundays).

Bukod kay Glaiza, retained ang iba pang runners na sina Mikael Daez, Angel Guardian (season 1 Ultimate Runner), Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Buboy Villar kasama ang bagong recruit na si Miguel Tanfelix.

Maglalaban-laban sila sa 12 races at misyon na kinunan sa iba’t ibang lugar sa Korea during the winter season.

Challenge man ang lamig, kinarir pa rin ng grupo ang kompetisyon sa tulong ng pagle-layer ng mga damit at heat packs sa loob ng 43 days.

Marami ngang dapat abangan sa bagong season, tulad ng guest appearance ng Korean superstars na sina Sandara Park, Nancy McDonie (ng dating Momoland) at Haha (ng Running Man Korea).

Makikibahagi rin sa bagong season ang Pinoy celebs na sina Alessandra de Rossi, Rochelle Pangilinan, Bianca Umali, Herlene Budol, Paul Salas, Michael Sager, Bianca Umali, Eric “Eruption” Tai, Mark Striegl, Gehlee at Elisa ng Unis at Josh ng grupong SB19.

May special participation din this season ang original runner na si Ruru Madrid.

Ang Running Man Philippines ay kolaborasyon ng GMA Network at SBS (Seoul Broadcasting System).

AUTHOR PROFILE