Tansingco1

3rd BI caravan itinakda sa Mayo 8 sa Baguio

May 5, 2024 Jun I. Legaspi 63 views

INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) na gagawin sa Baguio City sa Mayo 8 ang ikatlong leg ng kanilang nationwide caravan.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na isasagawa ang North Luzon leg ng Bagong Immigration Service Caravan sa Camp John Hay Trade and Cultural Center sa Baguio City.

Layunin ng caravan na ilapit ang serbisyo sa mga dayuhang naninirahan sa northern part ng bansa. “Our goal is to bring our services closer to our international guests.

While many of our services are now accessible online, we recognize the importance of personally engaging with our communities to facilitate immigration compliance,” sabi ni Tansingco.

Bibisitahin sa caravan ang mga pangunahing rehiyon para mapabilis ang proseso ng iba’t-ibang BI transactions, kabilang ang pagpapalawig ng tourist visas, exit clearances, dual citizenship applications at iba pang serbisyo.

Sa pamamagitan ng caravan, matitiyak na susunod ang mga dayuhan sa mga proseso sa BI.

Magkakaroon din ng pagkakataon ang mga tao na i-report ang anumang isyu ng illegal aliens at foreign sexual predators sa caravan.

“By bringing our services directly to the communities we serve, we aspire to enhance accessibility, efficiency and transparency in our operations, thereby contributing to a safer and more secure Philippines,” saad pa ni Tansingco.

Sinimulan ang caravan sa Zamboanga City noong Marso 6 at sinundan ng Iloilo leg noong Abril 17.

Tatanggap ang Baguio leg ng mga aplikante mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:30 ng hapon.

AUTHOR PROFILE