Default Thumbnail

100 cellphones natangay sa holdup

April 24, 2024 Gil Aman 75 views

UMABOT sa 100 cellphones ang tinangay ng apat na holdaper sa tindahan ng gadget noong Martes sa Pila, Laguna.

Dakong alas-11:24 ng umaga ng holdapin ng apat na suspek ang A&D Gadgets Shop sa Brgy. Bulilan Norte Pila, Laguna, ayon kay P/Maj. Abelardo Jarabejo III, hepe ng Pila police.

Ayon sa report ng biktima na si alyas Katrina, 24, matapos kulimbatin ang ibat-bang cellphones, tumakas ang apat na suspek sakay ng dalawang motorsiklo papunta sa Sta. Cruz, Laguna.

Naka itim na long sleeves, itim na jacket at katamtaman ang pangangatawan ng mga tirador, ayon sa biktima.

AUTHOR PROFILE