PCG

‘Mata sa mata, ngipin sa ngipin’

May 4, 2024 PS Jun M. Sarmiento 41 views

Sa pambu- bully ng Tsina

UMALMA ang ilang senador sa patuloy na pambu- bully ng Tsina kaugnay ng panibagong pagwa-water cannon sa Philippine vessel sa Panatag Shoal o mas kilala bilang Bajo de Masinloc.

Ayon kay Sen. Joseph Victor Ejercito, napakasakit umano tingnan na hinahagupit ng tubig ng Tsina ang ating watawat na nakakabit sa vessel ng Philippine Coast Guard.

“Painful to see the Philippine flag on the Philippine Coast Guard vessel being water cannoned by bigger Chinese Coast Guard ships,” sabi ni Ejercito sa X.

Sinabi pa ni Sen. Ejercito na dapat bigyan ng suporta ng gobyerno ang Armed Forces of the Philippines sa pagpapalakas ng depensa ng bansa at para maprotektahan ang ating maritime interest.

Hindi itinago ni Sen. Francis Tolentino ang pagka inis sa pangyayari kaya nagmungkahi na ikonsidera na rin ng gobyerno na gamitin ang “mata sa mata at ngipin sa ngipin” policy laban sa Tsina.

“We strongly condemn the continuous aggressive actions of the Chinese naval forces that put the lives of fellow Filipinos at risk by resorting to water cannons,” sabi ni Estrada, ang chairman ng Senate Committee on National Defense and Security.