Wanted sa murder natimbog sa CamNor
NADAKIP na ng mga miyembro ng Police Regional Office (PRO)-5 ang suspek sa pagpatay sa Camarines Norte noong Lunes.
Sinabi ni PRO-5 director Brigadier General Andre P. Dizon na walang piyansa inirekomenda para sa suspek sa pagpatay na si alyas Onyok.
Residente ng Capalonga, Camarines Norte ang 37-anyos na suspek, ayon sa hepe ng PRO-5.
Sinabi ni Brig. Gen. Dizon na bunga ang pagkakaaresto ng mas pinahigpit na kampanya laban sa mga wanted persons at iba pang kriminalidad sa Bicol.