Andi

Andi nilinaw ang ‘divorce’ issue

May 4, 2024 Vinia Vivar 64 views

Cool na in-address ni Andi Eigenmann ang ispekulasyon ng netizens na nag-divorce na sila ng partner niyang si Philmar Alipayo.

Tila nag-ugat ang tsismis nang hindi makasama si Philmar sa bakasyon ni Andi sa Japan kasama ang mga anak at mga kapatid.

Sa isang post ng aktres ng mga larawan nila na kuha sa Japan ay may isang netizen na nagkomento at sinabing divorced na sila ni Philmar.

“If it’s not true that Philmar and you are divorced, you two should explain in your vlog so that it doesn’t get worse. So that it won’t be true. We know, Marites, that will find a way to make it true,” pahayag ng netizen.

May sumagot naman na paanong magiging divorced si Andi gayung hindi pa naman sila kasal ni Philmar.

Humirit pa ulit ang netizen at sey niya, “Confirm hiwalayan Nina Andi at philmar NASA news Dali basa tayo.”

Pinuna rin ng netizen na ito na malungkot si Andi sa larawan.

“Si Andi very obvious malunglot Bakit kaya,” sey nito.

Hindi napigilan ni Andi ang sarili at sumagot ng “namatayan po kasi ako nanay.”

Sa kanyang Instagram story ay nagbigay din ng pahayag si Andi tungkol sa issue. Aniya, nagbakasyon lang siya, pagbalik niya ay nalaman niyang hiwalay na pala siya.

“I literally just went on a vacation with my brother and our kids, and come home to find out, through the internet, that I’ve just been separated,” she wrote.

Sa isa pa niyang post ay in-address din niya ang isyung pinepeke lang niya ang kalungkutan sa pagyao ng inang si Jaclyn Jose.

“The internet didn’t seem to like that I was grieving the loss of my nanay. Apparently, according to them, I had been faking my sadness about it all along (Not enough social media posts perhaps?),” pahayag ni Andi.

“Due to this, the internet has decided that the reason for my sadness is not that I have recently been an orphan but in fact, a divorcee (even if I had never been married),” patuloy pa niya.

“Hel.pppppp (laughing with tears emojis),” hirit pa ng aktres.

At para i-refute rin ang spekulasyon, nag-post si Philmar ng larawan ni Andi at sa caption ay pinauuwi na niya ang kanyang partner.

AUTHOR PROFILE