Default Thumbnail

Rape suspek huli

January 30, 2023 Jonjon Reyes 481 views

HIMAS rehas ang isang 41-anyos na lalaki makaraang arestuhin at silbihan ng arrest warrant ng mga operatiba ng Manila Police District- Baseco Police Station 13 sa harap ng isang department store sa Sta.Cruz Manila, Linggo ng tanghali.

Nakilala ang suspek na si Alvin Ramirez, may asawa , walang hanapbuhay, ng Baseco St., Port Area, Manila.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, Station Commander, pasado alas 12:30 ng tanghali, nang mamataan ang suspek sa nasabing lugar.

Dahil na rin sa isang impormante at patuloy ang pag papairal ng ” Oplan Galugad” at Smultanious Anti- Criminality Law Enforcement Operation, isinagawa ang pag aresto sa isang most wanted person ng Station Level sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Delight Aissa Salvador, ng Regional Trial Court Branch 29 na may petsang January 16, 2023.

Nauna rito, iniutos ni PLt.Col.Borbe kay Police Captain Mel Soniega ng Station Warrant and Subpoena Section at ang mga tauhan nito na arestuhin ang umano’y matagal ng wanted sa batas , dahil sa kasong paglabag sa Article 266-A (D) at Article 266-B(1) ng Revised Penal Code

Walang naitala ang korte sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO) nagpahatid ng pasasalamat si “The Game Changer General” Police Brigadier General Andre Perez Dizon , Director ng MPD , sa buong kapulisan ng Station 13 , dahil sa patuloy ang pinaiiral ang kanyang programa.

AUTHOR PROFILE